By Brian Zagala July 25, 2020 Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. (Photo courtesy of Gov. Presby Velasco) BOAC, Marinduque...
July 25, 2020
Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. (Photo courtesy of Gov. Presby Velasco) |
BOAC, Marinduque- Isinagawa ni Governor Presbitero Velasco Jr. ang kanyang unang State of the Province Address (SOPA) na may “low risk” MGCQ setting na ginanap sa Convention Center, Capitol Grounds, sa bayan ng Boac, Marinduque noong Hulyo 24, 2020.
Limitado lamang ang mga tao na dumalo sa nasabing SOPA na kinabibilangan ng kanyang anak na si Cong. Lord Allan Velasco, mga alkalde ng anim na bayan ng lalawigan, mga sangguniang bayan, department heads at iba’t ibang mga pribadong indibidwal kung saan sumunod sila sa mga health and safety protocols na ipinasiya ng Marinduque COVID-19 Task Force.
Naging sentro ng Marinduque governor ang mga naging hakbang at proyekto ng pamahalaang panlalawigan para i-angat ang income class classification ng lalawigan na hanggang ngayon ay 4th class province.
Ibinida ni Velasco ang kanyang mga nagawa at proyektong pang-imprastraktura, trabaho, agrikultura at irigasyon, turismo, kalikasan at kalusugan lalo na sa paglaban sa COVID-19.
Isa sa mga plano niya ay ang pagtatayo ng 23-km Megawide bridge na magdudugtong sa island province ng Marinduque patungong Quezon na siyang magiging daan para mas dumami ang mamuhunan sa lalawigan at mapabilis ang pagbyahe ng mga produkto at byahero.
Nagpasalamat naman ang gubernador sa lahat ng tumulong para maisakatuparan ang lahat ng pangarap ng pamahalaang panalalawigan at umapela ng suporta sa kanyang lingkod-bayan para maramdaman ng mga Marinduqueño ang pag-unlad.
No comments