Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagpapaunlad sa Kanlurang Pakil, tuluy-tuloy sa kabila ng pandemya

By Rachel Joy Gabrido June 30, 2020 Mayor Vincent Soriano inspects the ongoing construction of an access road in Kanlurang Pakil. (Pho...

By Rachel Joy Gabrido
June 30, 2020


Pagpapaunlad sa Kanlurang Pakil, tuluy-tuloy sa kabila ng pandemya
Mayor Vincent Soriano inspects the ongoing construction of an access road in Kanlurang Pakil. (Photo by Mayor Soriano)



BAY, Laguna – Tuluy-tuloy ang pagkilos ng lokal na pamahalaan ng Pakil tungo sa pagpapaunlad ng Kanlurang bahagi ng bayang ito sa pamamagitan ng iba’t ibang mga proyekto sa kabila ng pandemyang Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Mayor Vincent Soriano, ilang mga proyekto sa Kanlurang Pakil, isa sa dalawang bahagi ng bayan ng Pakil na pinagitnaan ng Laguna de Bay, ang inaasahang matatapos na sa darating na dalawang buwan, samantalang may mga proyekto namang nasa proseso na ng bidding at mayroon ring nagpapahiwatig ng mga pamumuhunan.





“Sinalubong po natin ang mga taga Department of Agriculture-Region IV-A para sa inspeksiyon ng proyektong Solar-Powered Irrigation System sa Barangay Matikiw. Ikinagagalak ko pong ibalita na malapit na po itong mai-turn-over,” ibinahagi ng alkalde sa opisyal nitong Facebook page noong nakaraang Martes, Hunyo 23.

Sa panayam naman ng Philippine Information Agency (PIA) Calabarzon sa alkalde, sinabi nito na sa kasalukuyan ay mayroon nang naitayong mga solar powered irrigation system sa mga Barangay ng Casinsin at Matikiw at may inaasahan na ring kaparehong sistema sa mga Barangay naman ng Casareal at Kabulusan.





Ang naturang proyekto aniya ay malaking tulong sa ekta-ektaryang mga lupaing agrikultural sa Kanlurang Pakil upang higit na maging produktibo.

Mahalaga aniyang paigtingin ang produksyon sa mga agrikultural na lupaing ito upang mas makasabay sa kompetisyon sa merkado, partikular na ang Brgy. Kabulusan.





Maliban pa sa mga nabanggit, ayon sa alkalde ay nagtayo na rin ang lokal na pamahalaan ng wind at solar powered pump sa Brgy. Casareal at water impounding tank naman para sa Brgy. Banilan.

Sa tulong naman ng pondong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, malapit na ring matapos ang rehabilitasyon ng provincial road mula sa Brgy. Casinsin hanggang Brgy. Banilan.

Marami rin aniyang mga rough road sa lugar ang naaspaltuhan na at mayroon pang mga aayusin pa sa mga darating na araw.

Kahit pa aniya dumaranas ng pagsubok na dulot ng pandemyang COVID-19 ay nagawang matapos ang Daang Hari Road project sa Brgy. Kabulusan. At sa kasalukuyan naman kahit nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine o GCQ, patuloy namang ginagawa ang kalsada sa Brgy. Casareal na karagdagang access road at inaasahang matatapos bago ang katapusan ng buwan ng Hulyo.


“I am focusing on constructing more roads in Kanlurang Pakil to make it easier for landowners to make their properties more productive ensuring more economic activities,” paliwanag ni Mayor Soriano.

(“Nakatutok ako sa paggawa pa ng mga kalsada sa Kanlurang Pakil para maging mas madali na para sa mga landowners na gawing produktibo ang kanilang pag-aaring lupa na makapagpapalawig ng mga ekonomikong aktibidad.”)

Paghikayat ng mamumuhunan


Malugod ring ibinalita ng punongbayan na hindi lamang natatapos ang magandang balita sa pamumuhunan na bumuhos sa Kanlurang Pakil gaya ng Manila Water sa Brgy. Kabulusan na magtatapos na sa First Phase at Laguna Water na parehong nagkakahalaga ng ilang milyon.

Ilan pa sa mga tanda ng progreso sa Kanlurang bahagi ng Pakil ang pagkakatatag ng Pakil Cockpit arena at ang kasalukuyang pagtatayo ng isang pribadong pamilihan rito.

Bunga aniya ang mga ito ng pagsisikap ng alkalde na mag-imbita, maghikayat at sumuporta sa mga potensyal na mamuhunan o investors.

“With this development, more business establishments are applying for business permits like the Powerfill Gasoline Station adjacent to the Pakil Cockpit Arena,” saad pa niya.

(“Dahil sa mga pag-unlad na ito ay maraming mga negosyo ang naeengganyong mag-aapply ng business permit gaya na lamang ng Powerfill Gasoline Station na katapatan ng Pakil Cockpit Arena.”)

Layon aniya ng pamunuan ni Mayor Soriano na mapayabong pa ang lokal na ekonomiya ng Kanlurang Pakil na magbubukas ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga mamamayan at magbibigay ng karagdagang kita para naman sa Munisipyo.

Kasama rin sa bisyon ng alkalde na ma-institutionalize at gawing regular ang boat ride service o transportasyon sa pamamagitan ng pamamangka sa pagitan ng Kanluran at Silangang Pakil para sa higit pang progreso at pagkakaisa ng mga komunidad sa bayan ng Pakil. (Joy Gabrido/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.