By Sentinel Times Staff July 10, 2020 ANTIPOLO, Rizal - Mariin pinabubulaanan ng Provincial Government of Rizal ang kumakalat na bali...
July 10, 2020
ANTIPOLO, Rizal - Mariin pinabubulaanan ng Provincial Government of Rizal ang kumakalat na balita sa social media ukol umano sa pagsasara ng Emergency Room (ER) ng Rizal Provincial Hospital System-Morong Annex (RPHSMA) dahil 19 na empleyado nito diumano ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID 19). Anila ito ay fake news.
Ayon sa anunsyo ng Antipolo City Government, ang balitang ito ay sa RPHS-Annex II COVID-19 Emergency Room sa Brgy. Dalig, Antipolo City na pansamantalang isinara matapos matuklasan na 19 na medical at non-medical frontliners ang nagpakita ng sintomas matapos ma-exposed sa isang COVID-19 patient.
Ayon sa Provincial Government of Rizal Facebook Page, sa kasalukuyan ay tapos na ang decontamination at disinfection activities sa nasabing ospital ngunit ipinagpapatuloy ang pansamantalang pagsasara ng COVID ER at naka-quarantine naman ang 19 na empleyado habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR confirmatory test. Samantala, ang regular ER ay nananatiling bukas at nag se-serbisyo sa ating mga kababayan.
Isinara ng Rizal Provincial Hospital Annex ang kanilang ER ito ay matapos na makitaan ng sintomas ng sakit na COVID-19 ang 19 medical at non-medical personnel.
Ayon kay Antipolo Mayor Andrea Ynarez, decontaminated at disinfected na ang nasabing emergency room.
Dagdag nito, kinuhanan na ng swab tests ang 19 empleyado at kasalukuyang naka-quarantine habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 RT-PCR test.
Ang Gilas Rizal sa kanilang FB Page ay humihingi ng paumanhin sa maling larawan na nagamit sa balita kaugnay sa Emergency Room ng Rizal Provincial Hospital na isinara matapos ma-expose ang 19 kawani nito sa COVID 19.
Tumaas naman ang bilang ng mga COVID 19 recoveries sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa Provincial, City at Municipal Health Offices ng Rizal noong July 7, 2020, pumalo na sa 536 ang bilang ng mga gumaling sa COVID 19. Habang nadagdagan ng dalawa ang mga nasawi sa virus para sa bilang na 97.
Samantala, pumalo na sa 1, 031 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan.
No comments