Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pulong na seguridad sa mga barangay na area of responsibility vs COVID 19 isinagawa

By Tagkawayan Teleradyo July 18, 2020 Tagkawayan Municipal Mayor Carlo Eleazar (Photo by Tagkawayan Teleradyo) TAGKAWAYAN, Quezon...

By Tagkawayan Teleradyo
July 18, 2020


Pulong na seguridad sa mga barangay na area of responsibility vs COVID 19 isinagawa
Tagkawayan Municipal Mayor Carlo Eleazar (Photo by Tagkawayan Teleradyo)



TAGKAWAYAN, Quezon - Upang suportahan ang bayan ng Guinayangan, Quezon sa mga hakbang nito upang mapigilan ang lalo pang pagdami ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) nagpatawag ng espesyal na pulong sa mga kapitan at hepe ng mga tanod sa railroad zone, coastal barangays, SANMANDELCAR area at Inter-Agency Task Force si Mayor Carlo Eleazar ngayong umaga ng sabado July 18, 2020.

Sentro ng pulong ang seguridad sa mga barangay ng nabanggit na area of responsibility (AOR) lalo na ang pinaka-malalapit sa bahagi ng Guinayangan partikular ang Aloneros na kabilang sa mga naka-lockdown ngayon batay sa anunsyo ni Mayor Boyboy Isaac kaninang umaga.





Ilan pa sa kanilang barangay na naka lockdown ngayon ay ang Danlagan batis, Bukal Maligaya, Tikay, Danlagan Central, Danlagan Reserva, at Gapas. Nadagdagan pa ng isa (1) ang kanilang pitong (7) bagong kaso doon kung kaya may kabuuan nang sampu (10) kasama ang iba pang una nang naiulat.

Sinabi ni Mayor Carlo, batay na rin aktibong koordinasyon nila ni Mayor Isaac ay paiigtingin ang pagpapatupad ng hindi muna pagpasok ng mga Taga-Guinayangan sa ating bayan at ganun din ang mga residente ng Tagkawayan ay hindi muna papayagang makapunta sa Guinayangan.





“Nasa bakod na po natin ang panganib. Habang may aktibong kaso, magtataas tayo ng antas ng seguridad” ayon kay Mayor Eleazar.

Dagdag pa ng alkalde na nawa ay malampasan agad ng Guinayangan ang sitwasyon at ma-contain agad nila ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.