Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Restricted Mobility ipinatupad sa Atimonan, Quezon

By Thiago Santos July 12, 2020 Alinsunod sa pagpapatupad ng Restricted Mobility sa kabayanan ng Atimonan, maigting na binabantayan nga...

By Thiago Santos
July 12, 2020


Restricted mobility ipinatupad sa Atimonan, Quezon
Alinsunod sa pagpapatupad ng Restricted Mobility sa kabayanan ng Atimonan, maigting na binabantayan ngayon ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagpasok ng bayan. (Photo from Atimonan PRIO)


ATIMONAN, Quezon - Nagbigay ng pahayag ang Atimonan Public Relations and Information Office sa kanilang Facebook page alinsunod sa pagpapatupad ng Restricted Mobility sa kabayanan ng Atimonan.

Anila maigting na binabantayan pa rin hanggang ngayon ang pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagpasok ng bayan. Ito ay upang maiwasan ang pagdami ng tao sa kabayanan.





Ang Restricted Mobility ay ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Atimonan noong July 6 hanggang July 10, 2020.

Kabilang din dito ang pagsusuot ng face mask, pagbabawal ng angkas, pagsasagawa ng social o physical distancing at pagbabawal pumasok alinsunod sa itinalagang schedule kada barangay.





Ito ay isinagawa sa checkpoints ng Atimonan Municipal Police Station, Tagbakin diversion, Feeder Port , Sacred Heart, Caridad Ibaba checkpoint at Decon sa Land Transport ngayong July 10, 2020 - July 11, 2020.

Ang Atas ng Restricted Mobility. Sa bawat pagkakataong magkakaroon ng confirmed case ng COVID19 Disease sa Bayan ng Atimonan, itataas ang Restricted Mobility sa kabayanan o town proper upang bigyang daan ang Contact Tracing ng mga Confirmed Cases at upang mapababa ang banta ng pagkakahawahan.

Ang mga sumusunod na panuntunan ang mapapaloob sa Restricted Mobility: d. Ipinagbabawal ang pagkonsumo at pagbebenta ng anumang uri ng inuming nakalalasing o alak, e. Itinatakda ang pagkakaroon ng Odd-Even Number Coding para sa mga tricycle at mahigpit na ipatutupad na tanging isang pasahero lamang ang pamamayagang maisakay sa bawat tricycle.

Pinabatid din Atimonan PRIO na simula July 13, 2020 ay mahigpit na ipagbabawal ang paglabas ng mga Authorized Person Outside Residence (APOR) na walang suot na Face Mask at Face Shield.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.