Editorial July 15, 2020 Dala ng makabagong panahon at ng pag-unlad ang mga modernong teknolohiya at iba’t ibang kagamita upang mapab...
July 15, 2020
Dala ng makabagong panahon at ng pag-unlad ang mga modernong teknolohiya at iba’t ibang kagamita upang mapabilis at mapadali ang daloy ng komunikasyon.
Kabilang dito ang telepono cellphone, computer at iba pa.
Sa kasalukuyan, kahit bata, marunong at mahusay gumagamit ng mga ito, at alam ang iba’t ibang uri o paraan ng tinatawag na social media online tulad ng Facebook, Instagram, Email, Twitter at kung anu-ano pa.
Mabuti iyan, tanda ng pag-unlad. Subalit dapat itong gamitin nang tama at naaayon sa pamantayan.
Responsable usage. Dapat responsable at sensible ang gagamit.
Sa tutuo lang, ang dami nang nasira ng pagkatao, nawasak na pamilya, naputol na pagkakaibigan at nadungisang puri dahil sa maling paggamit ng social media.
At sa ngayon, dahil sa COVID19 na limitado ang kilos ng mga tao, walang byahe, walang trabaho, walang kita, walang dyaryo at limitado ang sirkulasyon, nagsulputan ang mga pekeng dyarista, huwad na manunuat.
Sa social media, sila yaong mga medya-medya. Nangongopya o namumulot ng balita sa mga tunay na miyembro ng press/media, ipino-post sa kanilang Facebook o anuman at nakapangalan sa kanilang sariling outlet. Presto! Media na raw sila, at marami rin naman silang naloloko at napapaniwala.
Kaya sana, maging matalino ang publiko. Kilatisin po ang anumang mababasa ninyo, kung tutuo, at huwag basta magpapaniwala.
Sabi nga po ni Sec. M. Andanar, maraming lumilitaw ngayon na mga medya-medyahan, at mga fake news, kaya ingat po sana.
Medya-medyahan sa social media? Mayroong pekeng balita na isinulat at pagkatapos ay ibinahagi sa social media sa mga naka-target na grupo ng mga taong nais ipaniwala na ito ay totoo. Ang layunin ng pekeng news media outlet na ito na kumalat para pagkakitaan ng mga mambabasa na hindi gumugugol ng oras upang ma-verify ito. Ang ganitong uri ng balita ng pekeng news media outlet ay hindi masasabing totoo dahil sila mismo ay peke. Beware.
No comments