By Carlo P. Gonzaga July 24, 2020 Nakapanayam ng PIA-4A sa programa nitong 'PIA Ngayon' sa J101.5 FM si PRC-Batangas Chapter R...
July 24, 2020
LUNGSOD NG BATANGAS –Bumagsak ang stock ng dugo sa Philipine Red Cross (PRC)-Batangas Chapter dahil sa kanselasyon ng mga aktibidades nito sa pangangalap ng donasyong dugo at biglang nabawasan ang mga blood donors dahil sa community qurantine na ipinatupad laban sa pandemyang COVID-19.
Ito ang pahayag ni PRC-Batangas Chapter Administrator Ronald Generoso sa kamakailang phone patch live interview sa kanya sa programa sa radyo na 'PIA Ngayon' sa J101.5 FM tuwing Miyerkules, 8-9 ng umaga.
"Actually talagang malaki ang ginawa ng COVID-19 pandemic, lahat ng activities natin na-pending, hindi natuloy," sabi ni Generoso.
"Bunga nito, kulang yung imbak natin ng dugo, nangyayari, yung naka-stock na blood ay donated ng mga relatives ng mga pasyente. Dahil wala nga pong nagdodonate ng dugo na kagaya ng dati."
Sinabi ni Generoso na dati, ang probinsiya ng Batangas ay lumalampas sa stock na blood requirements na 1% ng approximate total population ng lalawigan.
"Umabot sa 115% to 120% noong 2019, pero ngayong 2020 lalong bumagsak dahil nawala yung regular blood activities natin. Yung ibang mga appeals for blood donation, hindi kami maka-appeal ng blood donation kaya ngayon ay bagsak ang stock ng dugo sa aming tanggapan," paglalahad ni Generoso.
Bagama't nasa gitna ng pandemya, sinabi ni Generoso na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya para sa blood donation. Maliban sa PRC-Batangas Chapter na matatagpuan sa Kumintang Ibaba, Batangas City na sumasakop sa 2nd at 5th district ng lalawigan, patuloy din ang kampanya sa iba pang tanggapan ng PRC sa probinsiya kabilang ang PRC-Nasugbu Branch sa 1st district, Tanauan City Branch sa 3rd district, at Lipa City Branch sa 4th district.
"Ang amin pong ginagawa, hinihikayat po talaga namin yung mga regular blood donors, yung mga nais pang mag-donate ng dugo, at mga kamag-anak ng mga pasyente dahil sila din ang makakatulong sa pasyente nila kaya tuloy-tuloy ang blood donation activities natin. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng available na dugo kaya lang kulang na kulang pa din ang stock natin," saad pa ni Generoso.
Ayon pa kay Generoso, mahirap magkasakit ngayon lalo na kung kailangan ng operasyon dahil kapag emergency wala agad makukuhang available na dugo kaya nahihirapan ang mga pasyente na nangangailangan.
Samantala, sa mga nagnanais magbigay ng kanilang dugo, kailangan lamang magpunta sa tanggapan ng PRC na malapit sa kanilang lugar at bago magtungo, kailangan maayos ang pakiramdam, walang sakit, walang ubo at sipon, at may sapat na tulog.
"Maraming natatakot magbigay ng dugo dahil may COVID-19, huwag silang matakot, dahil pinapanatili natin ang ipinapatupad na maximum precaution alinsunod sa panuntunan ng Department of Health kapag may nagdodonate ng dugo," pagtiyak ni Generoso. (CPG, PIA-4A)
Nakapanayam ng PIA-4A sa programa nitong 'PIA Ngayon' sa J101.5 FM si PRC-Batangas Chapter Ronald Generoso kung saan inihayag nito ang kakulangan ng stock ng dugo sa kanilang chapter dulot ng pandemyang COVID-19. (Larawan at caption: PIA-4A) |

No comments