Editorial July 13, 2020 Pitong (7) buwan nang nagdurusa ang mga Pinoy, yaong mga ordinaryong tao at nasa laylayan. Hindi makapagtrab...
July 13, 2020
Pitong (7) buwan nang nagdurusa ang mga Pinoy, yaong mga ordinaryong tao at nasa laylayan. Hindi makapagtrabaho walang masakyan, walang pumapasadang mga bus at jeepneys. Wala na ring ayuda ang gobyerno, wala na raw perang pampondo. Paano na ang buhay? Nakikiusap na ang mga tao. Tama na, sobra na! Ibalik na sa normal ang lahat.
Bahala na ang mga tao na mag-ingat, protektahan ang mga sarili at sundin pa rin ang mga payo ng gobyerno para maiwasan ang CoviD-19. Ang mahalaga, makapaghanap-buhay nang maayos, mamuhay nang normal at mapayapa.
Kapag hindi nagdesiyon nana tama ukol dito, mababang karote talaga ang kabaing - bayang babagsak ang mga negosyo at mag-aalisan. na ang mga higanteng negosyante at imbestor. Mas matinding problema lang kakaharapin ng gobyerno, na buong bansa.
Sa kasalukuyan marami nang negosyo ang nagsasara dahil nalulugi na umano ang mga ito. Ang mga kompanya at mga drayber konduktor ng mga public utility vehicles (Puls) nagngingitngit na sa galit dahil sa kawalan ng kita na pangtustos sa mga pangangailangan ng pamilya. Hindi sila makapamasada.
Mabuti ang mga mayayaman, ang mga makapang yarihang nasa poder na gobyerno, wala silang problema tulad ng mga ordinaryo at maliliit na mamamayan.
Mayroon silang mga sariling sasakyan at nga inimbak na salapi. Kaya sana naman tama na sobra na!!!
Tapusin na ang PLANDEMIC na iyan. Let's all go back to NORMAL. Nasa ating mga kamay rin ang ating kaligtasan. Kung kikilos tayo nang TAMA.
Tutulungan tayo ng Diyos na makapangyarihan. Mamuhay tayo nang simple, ilagay sa gitna ng ating buhay ang Diyos, sapagkat nasa Kanya ang AWA, hasa ating mga tao ang SAWA. God Bless Us. God Save the Philippines.
No comments