Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda

by LA Dolete August 16, 2020 Ang buwan ng Agosto ay itinuturing na buwan ng selebrasyon para sa ating sariling wika. Nauna itong itin...

by LA Dolete
August 16, 2020


Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda


Ang buwan ng Agosto ay itinuturing na buwan ng selebrasyon para sa ating sariling wika. Nauna itong itinalaga noong Agosto 19,1878, bilang sabay na pagdiriwang sa kaarawan nang dating Presidente Manuel Quezon na kilala rin bilang ama ng wikang pambansa. Ngayong taon, ang tema ng Buwan ng Wika ay "Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika" Ang mga katutubong wika sa Maka-Filipinong Bayanihan kontra pandemya. Nakasentro ito sa pagpapalawig ng tamang impormasyon sa gitna ng pandemya gamit ang mga katutubong wika para sa mas maliwanag na pagpapahayag.

Sa mga eskwelahan madalas marinig o makita mula sa mga paskil ang mga katagang "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda" tuwing buwan ng wika na siya ring ginamit na liriko sa isang kanta. Ang mga nasabing kataga ay nagmula sa tula na pinamagatang "Sa aking mga Kabata". Sa ating paglaki, madalas na maituro o madinig na ang sumulat nito ay ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal ngunit sa pagdaan ng panahon, may ilang mga pag-aaral na lumabas upang kondenahin ito.



Ayon kay Ambeth Ocampo, sa kanyang libro na Rizal without the overcoat, naipalimbag ang tulang "Sa aking mga kabata" isang dekada matapos ang pagkamatay ni Jose Rizal sa Bagumbayan. Mapapansin din na masyadong malalim ang mga kataga ng nasabing tula para sa walong taon na si Pepe. Naging kontrobersya din sa tulang ito ang ilang beses na paggamit ng salitang "kalayaan" kung saan hindi alam ni Rizal ang ibig sabihin, ayon sa sulat niya sa kanyang kuya Paciano noong October 12, 1886. "I lacked many words, for example, for the word freheit or liberty. The tagalog word kaligtasan cannot be used, because this means that formerly he was in some prison, slavery etc. I found in the translation if Amor Patrio the noun malaya' kalahayan that Marcelo del Pilar uses. In the tagalog book I have - Florante- I dont find an equivalent noun" ani ni Rizal sa nasabing liham.

Sa librong "Kunsino ang kumatha ng Florante: Kasaysayan ng buhay ni Francisco Baltazar at pag-uulat ng kanyang karununga't kadakilaan" na isinulat ni Herminigildo Cruz nakita ang pinakaunang kopya ng "Sa aking mga Kabata". Ayon kay Herminigildo Cruz, ang tula ay kanyang natanggap mula sa kaibigang makata na si Gabriel Beato Francisco. Ayon naman kay Gabriel Beato Francisco ay nagmula ang tula sa isang Saturnino Raselis na isang guro at matalik na kaibigan ni Rizal bagamat wala namang nabanggit na kaibigang Saturnino si Rizal sa kanyang mga nobela.



Sa kabila ng hindi pagiging malinaw sa kung sino ang tunay na sumulat ng "Sa aking mga kabata", manatili pa rin sa ating mga sarili ang pinaka kilala nitong kataga na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. Ang wikang ito ay kasama sa mga itinuturing na yaman ng ating bansa at nangangailangan din ng pagkilala at sapat na pag-gamit. Maging insulto nawa ang pagtalikod at pagkalimot sa paggamit nito. Ang paggamit ng wikang Filipino ay ang pinaka-unang tanda ng ating pagkakakilanlan kung kaya't pagyamanin natin ito ng husto at hindi lamang tuwing buwan ng Agosto

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.