By Henry Buzar August 16, 2020 (Photo courtesy by Manila Today) Maraming nagtatanong kung bakit ang Lucena ay naiba ang kategorya ku...
August 16, 2020
(Photo courtesy by Manila Today) |
Maraming nagtatanong kung bakit ang Lucena ay naiba ang kategorya kumpara sa buong lalawigan ng Quezon na napasa-ilalim sa GCQ. Bigyan natin ng masusing analisis.
Ang Lucena bilang kabisera ng Quezon ay may projected populasyon na 287,704 sa 2020 gamit ang growth rate na 1.56% kada taon sapagkat wala pa namang latest Census at ginagawa pa lang sa kasalukuyan. Ang lalawigan naman ay may projected ding populasyon para sa taong 2020 na 2,334,200. Sa madaling salita ang populasyon ng Lucena ay 12.32% ng populasyon ng lalawigan at ang natitira ay sa 39 na bayan at siudad ng Tayabas. Ikumpara muna natin ang Tayabas. Ang Tayabas ay may populasyong 108,893 projected sa 2020.
Gamit ang datos ng August 15, 10am report ng QPIO, sa kaso ng COVID, ang Lucena ay may 157 o 24.4% confirmed cases, 55 o 16.51% active cases ngunit may recoveries naman na 98 o halos 34%. Ang Tayabas ay may 53 o 8.24% confirmed cases, may 32 o 9.61% active cases at may 20 o 6.92% na recovery cases lamang.
Mababa naman parehas ang mortality na 4 at 1. Lumalabas na recovery cases at populasyon ang basehan ng IATF-COVID ng Nasyonal sa pagtangi sa LC kumpara sa TC. Sapagkat halos doble ang populasyon ng LC kumpara sa TC, lalabas na 19% ang active cases kumpara sa Lucena na 16.51%.
Sa mga bayan naman, sa kasalukuyan, kukuha lang tayo ng isang sample ang Mauban. Ang Mauban ay may 62 o 9.64% na confirmed cases, 45 o 13.51% na active cases at recoveries na 17 o 5.88% lamang. Kung ikukumpara pa natin ang populasyon ay malaki ang agwat ng Lucena sa active at recoveries. Isang bayan lang ito.
Pagsasamahin pa natin ang 39 na bayan. Malaki ang pagitan lalo pa't ang Lucena ang pinagdadalhan ng mga malulubhang kaso. Malinaw na kinonsidera ng IATF-COVID-19 ang mga datos na ito kung kayat pumatak ang Lucena sa MGCQ. Kumpara sa ibang siudad naman sa CALABARZON na karamihan ay Component Cities, umagwat ang Lucena sa kadahilanang parehas din sa ginawa nating analisis sa dami ng confirmed cases, active cases at recoveries.
No comments