By Brian Zagala August 1, 2020 BOAC, Marindque - Ginunita ng pamahalaang bayan ng Boac ang ika-120 taong anibersaryo ng Labanan sa Paye na...
August 1, 2020
BOAC, Marindque - Ginunita ng pamahalaang bayan ng Boac ang ika-120 taong anibersaryo ng Labanan sa Paye na may temang “Paggunita, Parangal, at Pagharap sa Hamon ng Pagkakaisa, Tungo sa Ligtas na Pamayanan sa Panahon ng Pandemya” na ginanap sa Covered Court ng bayan ng Boac, Marinduque, kahapon, Hulyo 31.
Bilang pagsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng pamahalaan panlalawigan patungkol sa mass gathering, limitado lamang ang mga tao na dumalo sa nasabing pagtitipon kabilang na dito si Vice Governer Romulo Bacorro, Bokal Adeline Angeles, Provincial Administrator Michael Velasco na syang kinatawan ni Goveror Presbitero Velasco, sangguniang bayan ng Boac, 61 punong barangay at mga department heads.
Naging panauhing pandangal naman sa nasabing paggunita si Noel Rene Nieva na mula pa sa lahi ng bayani ng Paye na sina Police Delegate Calixto Nieva at 2nd Liutenant Gregorio Nieva.
Samantala, nagpasalamat naman si Boac Mayor Armi Carrion sa mga Boakeño gayundin sa mga frontliner sa pakikiisa ng buong bayan at ng lalawigan sa paglaban sa COVID-19.
Sabayang flag raising at pag-aalay naman ng bulaklak ang isinagawa alas dyis ng umaga.
Ayon sa kasaysayan, ang labanan sa Paye ay isang makasaysayang digmaan sa pagitan ng mga kawal Pilipino at sundalong Amerikano na naganap sa lalawigan ng Marinduque noong Hulyo 31, 1900. Sa bisa ng Republic Act 9740, minarkahan ang Hulyo 31 bilang “Special Non-working Holiday” sa buong lalawigan ng Marinduque.
No comments