By Rachel Joy Gabrido August 15, 2020 Panayam ni Communications Sec. Andanar kay Mayor Dimaguila sa Laging Handa Network Briefing. (La...
August 15, 2020
Panayam ni Communications Sec. Andanar kay Mayor Dimaguila sa Laging Handa Network Briefing. (Larawan mula sa Binan City Information Office) |
BAY, Laguna – Patuloy ang pakikipagtulungan ng Lungsod ng Binan sa mga pabrika sa kanilang lokalidad lalo’t malaking bahagi ng kabuoang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) rito ay mula sa naturang industriya.
Sa panayam kay Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila sa online program na Laging Handa Network Briefing News ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ipinaliwanag niya ang mga hakabangin ng pamahalaang lungsod at mga kumpanya sa Techno Parks sa kanilang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga manggawa mula sa nasabing virus.
“Talagang kalimitan po ngayon, siguro almost 85% (ng nagpositibo sa lungsod) ay galing po sa technoparks sa mga pabrika kaya with the help of our Governor ay nagkasundo kami na magpasara muna ng isang kumpanya sa technopark dahil mataas ang percentage ng bilang nila,” paliwanag ni Mayor Dimaguila.
Aniya nang maibaba ang restriksyon sa buong lalawigan ng Laguna kasama ang kanilang lungsod at nagbalikan sa trabaho ang mga manggagawa sa full capacity ay doon biglang tumaas ang kaso sa kanilang lugar sa loob lamang ng anim hanggang pitong araw.
Kaya naman ipinasara nila ang mga apektadong pabrika, nagsagawa ng disinfection, at nag-isyu ng Executive Order para sa pagpapatupad ng protocol na minimum health standards.
Aniya kasama rito ang pagbabalik sa 50 porsiyento ng mga maaari lamang pumasok sa trabaho upang masiguro na maobserba ang social distancing.
“Mayroong ginagawa ang mga companies na mass testing tapos tayo naman ay kasama po tayo rito dahil right then and there ay sinasabayan na rin po natin ng contact tracing tapos inoffer natin ang ating isolation facilities.”
Ayon sa Alkalde mayroong kabuuang tatlong isolation facility sa kanilang lungsod.
Matatandaan na kamakailan ay napabalita na mayroong 290 mga manggagawa ang nagpositibo sa NIDEC Philippines sa naturang lungsod.
Sa huling tala kagabi, Agosto 11, alas otso ng gabi ay mayroon nang kabuuang 896 na na kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 366 ang aktibong kaso at 504 naman ang nakarekober na. (Joy Gabrido/PIA4A)
No comments