By Quezon – PIO August 16, 2020 Governor Danilo E. Suarez LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa p...
August 16, 2020
Governor Danilo E. Suarez |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez ang mga construction materials para sa Talim Farmers Multi-Purpose Cooperative para sa kanilang ipinatatayong kauna-unahang Learning Site ng mga magsasaka sa Lunsod ng Lucena.
Kung saan nitong nakaraang araw ng Miyerkules, ika-12 ng Agosto ay pormal ng na iturn-over ang mga nabanggit na materyales na personal na tinanggap ng Talim Farmers sa pangunguna ni G. Mario Dallos na ipinaliwanag kung paano nasimulan ang proyektong ito para sa kanilang samahan.
Gayon din isa sa magandang layunin sa pagkakaroon ng learning site ay ang mapag-aralan at matutunan ng mga rice farmers ang mga makabagong teknolohiya pagdating sa pagsasaka upang mas maging masagana ang kanilang saka sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA).
Samantala, nakabukas naman ang tanggapan ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez upang ipaabot ang mga programa at serbisyo para sa ating mga kalalawigang magsasaka, mangingisda at iba pa gayon din ang proyektong pang-agrukultura para sa ating mga Quezonian.
No comments