By Nimfa Estrellado August 9, 2020 Kinatawan ng Segunda Distrito, Cong. David "Jay-jay" C. Suarez (Photo from the FB Page of ...
August 9, 2020
Kinatawan ng Segunda Distrito, Cong. David "Jay-jay" C. Suarez (Photo from the FB Page of Cong. Suarez |
SARIAYA, Quezon - "Ito ['ng krisis] mga kasama malalampasan din natin ito. Ang mahalaga habang nasa ganito tayong sitwasyon ay unang una nagkakaisa tayo, nagtutulungan, kasi ako bilang congress man ninyo ay hindi rin naman ako tumitigil gumawa ng paraan na makapagbigay din ng mga proyekto na ikakauunlad ng inyong mga kabarangay at makakatulong din sa inyong pamamalakad bilang mga kapitan sa barangay."
Ito ang ipinahayag ng Kinatawan ng Segunda Distrito, Cong. David "Jay-jay" C. Suarez sa kanyang speech bago simulan ang katatapos na isinagawang Turn Over of Power Sprayer and Disinfectant for African Swine Fever (ASF) Control and Prevention na ginanap noong August 6, 2020 sa Bayan ng Sariaya, Quezon.
Aniya, may nabalitaan ang kanilang tanggapan na may lumalalang kaso ng ASF sa bayan ng Sariaya na ngangailangan ng agarang aksyon kaya hindi na nagaksaya ang Provincial Government ng Quezon ng panahon na magdistribute ng power sprayer at discinfectant upang pigilan ang pagkalat nito.
Pinangunahan ni Gov. Danilo E. Suarez na ipamahagi sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Sariaya ang mga power sprayer at disinfectant. Kanyang nakasama sa pamamahagi sina kasama si 2nd District Rep. David C. Suarez, Executive Assistant IV Jenny S. Lopez, Provincial Agriculturist Roberto Gajo, Provincial Veterinarian Flomella Caguicla, BM Yna Liwanag, at BM Romano Talaga.
Maliban sa turn-over ay namahagi ng food packs at nagkaroon din ng Free Influenza Vaccine Immunization Activity para sa mga Municipal Employees at Barangay Officials ng Sariaya sila Cong. Suarez.
Aniya, malapit na magkaroon ng bakuna laban sa COVID 19. May tatlong kompanya nasa third face ng human trial na, kaya iminungkahi niya kay Pangulong Rodrigo "Rody" Roa Duterte na dapat na magtayo na ng National Vaccination Program at lagyan ito ng task force, polisiya, at guidelines.
"Ang mahirap may pera ka, may bakunang available kaso babakunahan ang 100 million Filipino, kung hindi paplanuhin ng maganda magkakagulo." sabi ni Cong. Suarez.
"Dapat clear ang policy. Kasi malaki din ang gagampanang papel ng mga barangay officials dito. Totoo ang gusto ng presidente ang mag implement ng program ay mga military at pulis, para sa kanya kasi walang pulitika. Ang kinakatakutan kasi lang ng pangulo kapag ibaba sa pulitiko ang pag papaturok by september o december ang tanong yung availability sa atin." aniya pa ni Cong. Suarez.
Inilatag din niya ang kanyang magaganadang layunin, programa at polisiya para sa kaunlaran at kapayapaan ng kanyang distrito at pati na rin sa buong lalawigan ng Quezon. Hinikayat din ng respetadong kinatawan at lider ang lahat ng mga opisyal at mga mamamayan na makipagtulungan at makiisa sa mga pagplaplano, paggawa ng mga polisiya at pambarangay na alituntunin ng sa ganun mas epektibo at comprehensibo ang mga hakbang tungo sa kaunlaran at paglaban sa pandemyang COVID 19 at ASF.
"Kaya mga kapitan maliban sa pagbabantay sa COVID 19, i-check ang mga nagaalaga ng backyard dahil kung hindi rin babantayin ang mga ito hindi makokontrol ang sitawasyon at baka kaagad lumalala dahil ngayon dumadating ang tag lamig nagbabago ang panahon, prone ang alaga sa sakit." sabi ni Cong. Suarez.
Samantala naiya kung halimbawa naman magkaproblema sa ASF ulit sa alin mang parte ng lalawigan ng Quezon anidyan lang ang tanggapan ng Quezon Provincial Veterinary Office para ma-contain at ma-control ang pagkalat ng ASF.
Ipinamahagi rin ng Financial Assistance para sa mga swine farmers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa mga bayan ng Catanauan at San Narciso noong August 7, 2020.
Matagumpay din na naihatid sa 200 na kababayang Lucenahin ang tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong August 8, 2020.
Ang isinagawang pay-out ay dinaluhan nina Quezon Governor Danilo E. Suarez, Board Member Romano Talaga, BM Beth Sio, BM Yna Liwanag at ng Alkalde ng Lungsod ng Lucena, Mayor Dondon Alcala. (may ulat mula sa Quezon-PIO)
No comments