By Quezon – PIO August 8, 2020 UNISAN, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga DepEd District Supervisors mula sa una, ...
August 8, 2020
UNISAN, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga DepEd District Supervisors mula sa una, ikalawa at ika-apat na distrito ng Lalawigan ng Quezon ang mga laptop nitong nakaraang araw ng Sabado, unang araw sa buwan ng Agosto na ginanap sa bayan ng Unisan, Quezon.
Pinangunahan ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaisa sina Congw. Aleta Suarez, 2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez, Senior Board Member Jet Suarez, Board Members Jerry Talaga, Romano Talaga, Beth Sio, Rhodora Tan, Alona Obispo at Yna Liwanag ang naturang pamamahagi ng mga laptop sa 40 na District Supervisors mula sa mga nabanggit na mga distrito.
Sa mensahe ni 2nd District Cong. Jay-jay Suarez bagamat nalalapit na ang pasukan, siya ay nakasuporta sa mga isasagawang programa ngayon para mas mapalawig ang online teaching sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ilang mga ipinagkaloob na computer sa ilang mga eskwelahan na mapaayos para gawing learning hub. Gayon din ay kanyang ibinahagi ang kanyang mariin na pagtutol sa face to face teaching dahil naniniwala siya na kailangan muna ng bakuna para sa lahat upang maiwasan ang pagkalat ng virus at wag maging biktima ang mga magaaral, guro at maging non-teaching personal.
Habang sa naging pananalita ni Senior BM Jet Suarez, nariyan ang kanyang panawagan sa Parents and Teacher Association na makatuwang ng ibang mga eskwelahan na nasa mga lugar na hindi abot ng tamang signal para isagawa ang online teaching sa halip ay modular mode of teaching ang gagawin upang maihatid sa bawat tahanan ang angkop na teaching materials na kailangan ng mga magaaral.
Sa naging mensahe naman ni Governor Danilo E. Suarez, kanyang binigyang diin na maging daan umano ang kanilang ipininagkaloob na mga laptop sa mga guro na ang kanilang pagtuturo ay maging madali, mabilis at mas epektibo para sa kanilang mga estudyante nawa rin ay maging daan ito para sa mas malawak na kaalaman na kanilang maibabahagi sa kanilang mga magaaral.
Kasabay nito, ay inilunsad naman ang programang “Intensifying Fight Against COVID-19 through Flu Vaccination, Polio Vaccination, Vitamin E Supplementation and Distribution of Ready to Use Supplemantary Food sa bayan ng Polillo.
Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang iba’t-ibang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na tutugon sa pagpapayabong sa industriya ng Lalawigan upang maipagkaloob ang naaangkop na hanap-buhay para sa bawat Quezonian.
No comments