By PIA Batangas August 13, 2020 Bumisita ang monitoring at enforcement team sa pagpapatupad ng 'No to Plastic Policy' sa Markets 1, ...
August 13, 2020
Bumisita ang monitoring at enforcement team sa pagpapatupad ng 'No to Plastic Policy' sa Markets 1, 2 at 3 (Luma at Bagong Palengke) noong Agosto 4 upang mahigpit na ipaalala sa mga manininda na may kaukulang multa at parusa ang sino mang lumabag sa nasabing polisiya. (Photo: Palakat Batangas City FB Page)
LUNGSOD NG BATANGAS, Agosto 10 (PIA) --Ipinapaalala ng pamahalaang lungsod ng Batangas na may kaukulang multa at parusa ang mga sumusuway sa 'No to Plastic Policy' alinsunod sa Batangas City Environment Code.
Kaugnay nito, pinangunahan nina City Market Administrator Loyola Bagui at City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gozales ang orientation briefing para sa istriktong pagpapatupad ng 'No to Plastic Policy' bago magsagawa ang team ng monitoring at enforcement ng nasabing polisiya sa Markets 1, 2 at 3 (Luma at Bagong Palengke) noong Agosto 4.
Ang mga magtitinda at mamimili na nahuling gumagamit ng plastic ay binigyan ng citation ticket para sa kaukulang multa na P1,500 sa first offense, P5,000 at pagkansela ng business permit para sa 2nd offense at tuluyang ipapasara na ang business establishment kapag nagpatuloy pa sa paglabag.
Muling tumutok ang enforcement team sa panghuhuli ng mga lumalabag noong Agosto 1, matapos ang tatlong linggong muling pag-aanunsyo tungkol sa polisiya.
Samantala, sinita rin ng monitoring team ang mga magtitinda na iligal na nakapuwesto sa harap ng mga stalls sa mga palengke upang hindi sila makaabala sa daanan ng mga mamimili. (PIA-Batangas/PIO Batangas City)
No comments