Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Online Class

By LA Dollete August 23, 2020 (Screengrab from VinCentiments FB Page) Kamakailan lang ay naging isang maingay na kontrobersiya ang i...

By LA Dollete
August 23, 2020

(Screengrab from VinCentiments FB Page)

Kamakailan lang ay naging isang maingay na kontrobersiya ang isang maikling pelikula na may pamagat na "Online Class" sa ilalim ng panulat ni Darryl Yap. Nauna itong inilabas noong August 7, 2020 sa Facebook page ng Vincentiments na umani ng hindi lamang 1.1 milyon views sa loob ng tatlong oras, kundi samu't-saring batikos, opinyon at sentimyento ng mga tao at guro.

Ngayon na may kinakaharap na pandemya ang bansa, tila naging pahirap ito sa sistema ng edukasyon, mula sa estudyante hanggang sa mga guro. Bagamat iniurong na ni Deped Secretary Leonor Briones ang pasukan sa October 5, 2020, nananatiling isipin ang naghihintay na gastos at hirap, hindi lamang ng mga estudyante at magulang kundi maging ng mga guro na siyang nangunguna sa bagong sistema ng edukasyon.





Sa Facebook ay minsan kang makakakita ng mga guro na nagpopost upang humingi ng donasyong ink at bond paper para sa modyul ng kanilang mga estudyante na kanila ring dadalhin sa bawat bahay sa kabila ng kawalan ng seguridad para sa kanilang kalusugan. Iyan ay mga unang hirap lamang ng mga guro para sa hamon na dala ng online class, kung kaya't ganun na lamang ang pagka dismaya ng mga ito para sa maikling pelikulang "online class" ni Darryl Yap na tila nakasarado sa paghihirap ng mga estudyante ngunit isinantabi ang paghihirap ng mga guro.

"Our teacher's do not deserve this disrespect", iyan ang isang bahagi na nakapaloob sa isang liham na inilabas ng UP College of Education Student Council noong August 8, 2020, kasabay ng panawagan nito sa Deped na gawan ng aksyon ang pelikulang naglalaman ng galit, pagmumura at paghuhubad ng isang estudyante laban sa kanyang guro dahil lamang sa nahihirapan ito sa online class. Wala namang naging pahayag dito ang Deped.





Sa kabilang banda, sinabi naman ni Darryl Yap na ang pelikula niyang ito ay isang pintuan na nagbubukas para sa pag-aalsa ng mga apektadong guro na nasisisi daw sa sistema ng online class. "Huwag kang mag teacher kung makitid ang utak mo, kung manipis ang balat mo, at kung hindi mo kayang tanggapin na bahagi ka man o hindi - may mali sa sistema" iyan ang kanyang Facebook post bilang karagdagan sa kanyang tugon sa mga bumabatikos.

Ang isang pelikula ay hindi kailanman maaaring gamitin upang magbigay ng maling pananaw at mapanakit na kasinungalingan laban sa sino man. Ang nagpapahirap sa sistema ng online class ay ang kahirapan, ang pandemya at ang kagawaran na nagpapatupad nito sa kabila ng mga kakulangan. Ang mga guro ay kasamang nahihirapan ng mga estudyante sa sistemang ito. Huwag tayong magbigay ng kalituhan sa mga estudyante upang maglabas ng galit sa mga guro na siya rin namang nahihirapan sa sistema. Kung ang isang pelikula ay may nais ipakita, siguraduhin nating ito ay akma at hindi base lamang sa opinyon na malayo sa katotohanan. At kung ikaw ay gumagawa ng pelikula, siguraduhin natin na ang ipakikita natin sa mga manonood ay kapupulutan ng tamang aral mula sa tamang opinyon at impormasyon.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.