By Ruel Orinday August 30, 2020 DOLE Quezon Provincial Head Edwin Hernandez LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tumaas ang compliance rate n...
August 30, 2020
DOLE Quezon Provincial Head Edwin Hernandez |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tumaas ang compliance rate ng mga business establishments sa lalawigan ng Quezon sa pagsunod sa health and safety protocols bilang isang paraan sa paglaban sa COVID-19.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Quezon Provincial Head Edwin Hernandez sa isang panayam na batay sa pinakahuling assessment na ginawa ng DOLE at ng Department of Trade & Industry (DTI), mula sa 17.7 percent compliance rate noong una silang nagsagawa ng monitoring, ito ay naging 74.15 porsyento.
"Mahigit na 400 establisimyento na mayroong mahigit sa 15,000 empleyado sa lalawigan ng Quezon ang kasama sa aming isinagawang assessment," sabi pa ni Hernandez
Ayon pa kay Hernandez, base sa mga datos ng COVID-19 Update na inilalabas ng mga iba't ibang bayan sa CALABARZON, karamihan sa COVID-19 confirmed cases ay mula sa hanay ng mga manggagawa at nahawaan ng sakit sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan.
Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na binabayantayan ng DTI at DOLE ang pagsunod ng mga iba't ibang mga industriya sa mga ipinatutupad ng pamahalaan na mga pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado ganundin ng mga kliyente. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)
No comments