By PIA Batangas August 13, 2020 LUNGSOD NG BATANGAS - Ibinalita ni Officer-In-Charge City Schools Superintendent Dr. Zaldy Bolanos na...
August 13, 2020
LUNGSOD NG BATANGAS - Ibinalita ni Officer-In-Charge City Schools Superintendent Dr. Zaldy Bolanos na matagumpay ang isinagawa nilang simulation exercise kamakailan para sa implementation ng Learning Continuity Plan (LCP) sa mga pilot schools lungsod kasama ang SPED.
Sa ilalim ng LCP ng Department of Education (DepEd), nakapaloob ang mga Learning Delivery Modes na maaari nilang gamitin sa tinatawag na blended learning na ipatutupad sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.
Bukod sa online learning, gagamitin rin ang mga self-learning modules, TV at radio sa pag-aaral ng mga estudyante.
Ang mga asignatura ay ibibigay sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng USB flash drive at printed materials, 1:1 aniya ang module-pupil ratio.
Sinabi ni Dr. Bolanos na nagsisimula na ang reproduction ng mga ito at ang mga paaralan na ang bahalang magdistribute sa kanilang mga mag-aaral.
Magiging available ang mga printed materials na gagamitin ng mga mag-aaral isang linggo bago ang pagsisimula ng klase ngayong Agosto.
Sumailalim sa pagsasanay sa pamamagitan ng mga webinars ang mga guro kung kayat handa na aniya ang mga ito sa pagsisimula ng klase.
Magiging katuwang ang mga magulang o guardians ng mga estudyante habang ipinatutupad ang Distance Learning. Sila aniya ang magiging gabay (facilitator) ng mga learners upang maging posible ang patuloy na edukasyon.
Base sa tala ng DepEd, may kabuuang 62,757 ang bilang ng mga kabataang nag-enrol sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong school year kung saan ang 37,652 ay enrolees sa elementarya, 19,702 sa Junior High School at 5,403 sa Senior High School. (PIA-Batangas/PIO Batangas City)
No comments