By Quezon PIO August 30, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa isinagawang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan, i...
August 30, 2020
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa isinagawang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan, ipinaabot ni Provincial Budget Office G. Diego Salas ang pasasalamat sa mga frontliners sa patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19 kasabay ng pagbati na naging matagumpay na selebrasyon ng Niyogyugan Online Festival 2020. Gayon din sa kabila ng pinaiiral na working arrangements sa kanilang tanggapan ay pinatutupad naman nila ang Citizens Charter para sa mabilis at maayos na serbisyo.
Para naman sa mensahe ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez na kinatawan ni Provincial Administrator / Agriculturist Roberto Gajo ay pinaaalalahanan ang lahat ng sobra-sobrang pagiingat upang makaiwas sa virus kasabay din nito ang patuloy na pagpapatupad ng ilang mga working arrangements sa ilang mga tanggapan sa Provincial Government at maging responsable gayon din ang pagbabahagi ng paggunita sa coconut month celebration.
Samantala, bilang pasasalamat sa matagumpay na pagdiriwang ng Niyogyugan Online Festival 2020 ay ipinarating ni G. Jun Bay, Jr. ang Tourism Officer ng ating Lalawigan ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakatuwang ng kanilang tanggapan sa mga isinagawang online activities para maghatid ng saya sa ating mga kalalawigan.
Ibinahagi rin ni G. Bay ang inaasahan na kakaibang pagpapatupad ng tour sa ating bansa habang hinaharap natin ang new normal nariyan ang tinatawag na space travel na mahigpit na pagpapatupad ng social distancing at ang virtual tours na ilan sa mga nakikita sa parating na mga buwan para sa tourism industry.
Sa ngayon ay patuloy na pinatutupad ang mahigpit na health and safety protocols para sa lahat upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng kompirmado sa COVID-19 sa ating Probinsya gayon din ang mandatong pagsusuot ng face shiled sa ilang mga pampublikong lugar, pagsakay sa mga pampublikong transportasyon at mga Government Offices. (Quezon – PIO)

No comments