By Ruel Orinday August 1, 2020 Si Quezon Governor Danilo Suarez at mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko sa ...
August 1, 2020
Si Quezon Governor Danilo Suarez at mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan. (Photo by Quezon - PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon -Nagpahayag ng suporta si Quezon Governor Danilo Suarez sa mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na sumuko sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan.
Ang suporta ay inihayag ng gobernador sa kanyang pagdalo sa seremonya ng 'Presentation of CTG Surrenderees' na ginanap sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna Hulyo 23 at dinaluhan ni PNP Chief PGEN Archie Francisco F. Gamboa bilang panauhing tagapagsalita.
"Nakahanda po akong tumulong o maglaan ng livelihood program para sa mga surrenderees na aking nasasakupan", sabi pa ng Gobernador
Kabilang sa mga isinuko ng 131 CTGs ay ang kanilang mga armas at iba pang mga kagamitan na sinaksihan ni PNP Chief Gamboa.
Ang presentasyon ng mga sumukong dating miyembro ng CTGs ay idinaos alinsunod sa Executive Order No. 70 (End Local Communist Armed Conflict).
Samantala, ang Provincial Task Force ELCAC ay bukas sa mga programa, mga aktibidad at proyekto para matulungan ang mga nagbalik-loob sa kanilang mga problema at sa tuluyang pagbabagong buhay nila.
Ang mga sumukong dating miyembro ng CTG ay makakatanggap ng financial at livelihood assistance at training sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ipagkakaloob ng mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department Of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA) at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan. (Ruel Orinday-PIA Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO)
No comments