Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Sino-sino ang malaki ang tyansa na dapuan ni COVID-19

By Henry Buzar August 24, 2020 Sa Amerika, ang pagkakaiba-iba ng lahi at katatayuan sa buhay ay siyang nagtutulak sa isang sosyedad na...

By Henry Buzar
August 24, 2020




Sa Amerika, ang pagkakaiba-iba ng lahi at katatayuan sa buhay ay siyang nagtutulak sa isang sosyedad na malubha ang diskriminasyon na siya ring giya sa mga nagpopositibo sa coronavirus. Base sa ginawang pag-aaral ng CDC, 65% ng mga matinding tinatamaan ni COVID ay may kulay ang balat katulad ng mga Itim, Latino at mga “native Americans.” Ang mga Itim, Latino at Katutubong Amerikano ay halos tatlong beses na malamang na mahawahan ng Covid-19 kaysa sa kanilang mga white counterparts. Ang tatlong pangkat na iyon ay halos limang beses na malamang na ma-ospital.

At ang mga taong may kulay sa kabuoan ay mas malamang na mamatay sa virus. Sa grupong ito ang maliit ang tyansa na makapagtrabaho sa loob ng bahay katulad ng mga nasa konstruksyon, at mga nasa blue-collar na trabaho sapagkat napipilitan silang magtrabaho kahit nananalasa si COVID, sila ang malimit nasa labas ng bahay at malaki ang tyansa na mahawa ng virus. Ang grupo ding ito ang maliliit ang mga kabahayan at iisa lamang ang comfort room na ginagamit para sa lahat ng miembro ng pamilya. Kalimitan din na marami silang kasambahay at kung mahahawa ang isa mataas ang porsyento na mahahawa rin ang kapamilya nila. Walang akses sa coronavirus testing, ipinasasa-diyos na lamang ang lahat. Sa Pilipinas halos ganoon din naman.





Noong nagsimulang maghasik ng lagim si COVID sa Pilipinas, mga Pinoy na nasa lungsod ang halos unang tinamaan sa kadahilanang dikit-dikit ang mga kabahayan lalong lalo na sa mga lugar na tinatawag na “high density residential area” o mataas ang populasyon sa isang kilometrong kwadrado na mga bahayan. Sapagkat sa MM matatagpuan ang mga squatters, unsanitary conditions, kakulangan ng malinis na palikuran, walang privacy sa kabahayan, kakulangan sa tubig at sa madaling salita ay mukha ng malalim na kahirapan. Samantalang ang mga may-kaya naman ay matatagpuan sa mga malilinis na subdivision, malalayo ang mga agwat, malinis ang kapaligiran at malayo sa tinatawag na “maddening crowd.” Halos ganito rin ang naranasan sa India, Kuala Lumpur, HK, Singapore at Korea.

Sa pagpihit ng hangin, naobserbahan ng mga health experts na nababago ang galaw ni COVID, pumupunta na ito sa mga rural na mga lugar, sa mga sulok-sulok at sinasamantala naman ang pagiging malapit ng bawat-isa sa kapamilya. Sapagkat mabababaw ang pagkakaintindi kay COVID at nangingibabaw ang “pakikisama sa kapwa” maraming mga nasa kanayunan ang hindi handang mag-isolate sa mga kaibigan, kumpadrino, at lalong-lalo na sa mga kamag-anakan. Kaya naman nakikita natin na kahit sa mga isla pumasok na si COVID.





Sino-sino ang siguradong tatamaan ni COVID?

Una, ang mga health workers na hindi naman sanay sa pagsusuot ng mga mainit na PPEs at hindi pa nakatagpo ng ganitong ka-virulent-highly contagious na virus. Ang kakulangan ng pag-hahanda, hindi maayos na mga gamit at pagiging maawain sapagkat hindi katulad sa Maynila na walang gaanong pakialam sa kapit-bahay, ang mga taga-probinsya ay malapit sa kanilang mga kabarangay at “taboo” ang hindi marunong makisama. Halimbawa sa Tayabas at Lucban, mahirap tumanggi sa inuman. Iisang tagayan, simbolo ng pakiki-isa sa mga kaibigan. Marami ang sanay na makipag-huntahan sa mga pondahan at makibalita sa mga mahilig magkwento o mag-tsismis. Ito ang unang rason sa mabilis na pagkalat sa mga rural na lugar.

Ikalawa, ang mga manggagawang hindi pwede sa “work from home” na kinakailangang maki-salamuha araw-araw sa karamihan ng tao. Mga nasa “underground economy” mga taong may maliit na negosyo at hindi naman nag-babayad ng buwis katulad ng mga jeepney driver, mga magtitinda sa palengke, magbaba-barbecue, at iba pa.

Ikatlo, mga taong nakatira sa mga bahay na iisa ang palikuran o kalimitan pa nga ay wala at ang ilog ang ginagamit na malaking palikuran ng lahat, walang tubig, hindi kayang bumili at gumamit ng face mask, walang makain at pwersadong magpauli-uli sa kabayanan, iisa lamang ang kwarto at kung magkasakit ang isa, pwersado na matulog sa salas. Kung dalawa ang magkasakit, problema na kung saan ihihiwalay ang isa. Sila rin ang araw-araw na lumalabas para maghanap ng pagkain hindi katulad ng mga mayayaman na isang beses lamang mamalengke kada buwan sapagkat nakakapag-stock sila sa kanilang mga freezer at refrigerator.

Sa madaling salita, ang mahirap ang siyang lugi kay COVID. Kapag tinamaan ang mahirap ni COVID, malamang na kung makaligtas siya sa sakit mamatay naman sa hospital bill. Katulad sa America, ang mga Black Americans, Latinos, native Americans ang mga mahihirap sa bansa. Ang “inequities” at “inequality” na nararanasan nila ay walang pinag-iba kay COVID. Masakit, sapagkat ang mga mahihirap sa buong mundo ang siya pang nagdudusa kay COVID.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.