by Quezon – PIO August 1, 2020 Provincial Administrator and Agriculturist Roberto Gajo (Photo by by Quezon – PIO) LUNGSOD NG LUCE...
August 1, 2020
Provincial Administrator and Agriculturist Roberto Gajo (Photo by by Quezon – PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Administrator ang isinagawang regular na flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan nitong araw ng Lunes ika- 27 sa buwan ng Hulyo.
Kung saan ay dumalo ang ilang mga kawani mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Provincial Government kasabay ng pagpapatupad ng ilang mga health protocols na bahagi sa pagharap sa bagong normal dulot ng pandemya dahil sa COVID-19.
Habang sa naging mensahe ni Provincial Administrator and Agriculturist Roberto Gajo, kanyang ibinahagi ang ilan sa mga naging aktibidad na ginawa ng Pamahalaang Panlalawigan kasama na rito ang pagaabot ng tulong at ayuda sa siyam na barangay ng bayan ng Guinyangan dahil sa pagsailalim sa lockdown dahil sa naipatalang mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19 mula sa kanilang bayan.
Gayon din ay patuloy naman ang pagpapaalala ng ating Provincial Government sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez na obserbahan at panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols na ipinatutupad sa ating Probinsya upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga kompirmadong kaso ng COVID-19 sa ating Probinsya at magpatuloy ang pagtaas ng ating recoveries.
Sa ngayon ay patuloy ang mga ginagawang aksyon ng ating Pamahalaan gaya ng ilang mga pagpupulong na tutugon sa mga kautusan sa buong Lalawigan ng Quezon sa patuloy na paglaban sa pandemyang ating nararanasan.
No comments