Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Turn-over and blessing ng motorcycle with sidecar at ambulansya, isinagawa

by Quezon – PIO August 1, 2020 Governor Danilo E. Suarez sa isinagawang turn-over at blessing ng mga motorcycle with sidecar sa anim na...

by Quezon – PIO
August 1, 2020

Turn-over and blessing ng motorcycle with sidecar at ambulansya, isinagawa
Governor Danilo E. Suarez sa isinagawang turn-over at blessing ng mga motorcycle with sidecar sa anim na Barangay mula sa bayan ng Calauag habang tig-isang ambulansya ang ipinagkaloob para sa bayan ng Lopez at San Narciso noong ika-30 ng Hulyo. (Photo by Quezon – PIO)


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isinagawa sa harapan ng Kapitolyo ang turn-over at blessing ng mga motorcycle with sidecar sa anim na Barangay mula sa bayan ng Calauag habang tig-isang ambulansya ang ipinagkaloob para sa bayan ng Lopez at San Narciso nitong nakaraang araw ng Huwebes, ika-30 sa buwan ng Hulyo.

Kung saan ay personal na tinanggap ng mga Kapitan mula sa Barangay Maglipad, Katang-tang, Kinamaligan, Bagong Silang, Poblacion Tres at Biyan ang mga naturang mga tricycle na service para sa kanilang komunidad na magagamit sa ibang mga gawain sa kanilang lugar.





Habang sa ating panayam kay Kapitana Imelda Balog ng Barangay Katangtang, isa mga tumanggap ng naturang motorcycle with sidecar malaki ang pasasalamat ng kanilang barangay at mga ka-barangay kay Governor Danilo E. Suarez dahil sa service na kanilang magagamit sapagkat isa ang kanilang lugar sa malayo sa mismong bayan ng Calauag.

Gayon din ay binasbasan na ang mga ambulansya na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Department of Health (DOH) para sa Magsaysay Memorial District Hospital ng bayan ng Lopez at San Narciso Municipal Hospital.





Sa naging mensahe ni Dr. Wilson Rivera ang Chief of Hospital ng Magsaysay Memorial District Hospital lubos ang kanilang pasasalamat sa Ama ng ating Lalawigan dahil sa pagkakaloob sa kanila ng ambulansya na kanilang kailangan lalo na ngayong may pandemic dulot ng COVID-19.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang mga programa ng Provincial Government sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating Lalawigan dahil sa COVID-19 kasabay ng paghahatid ng mga programang tututok sa Kalusugan, Pangkabuhayan, Paghahayupan, Paghahalaman at Edukasyon para sa bawat Quezonian.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.