By Quezon PIO September 5, 2020 Governor Danilo E. Suarez (Photo from Quezon PIO) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Personal na binisita n...
September 5, 2020
Governor Danilo E. Suarez (Photo from Quezon PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Personal na binisita ni Governor Danilo E. Suarez ang dalawang bayan sa ikalawang distrito ng Lalawigan upang ihatid ang pinalawig na programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan kasama si Vice Governor Sam Nantes.
Kung saan nitong araw ng Huwebes, ikatlong araw sa buwan ng Setyembre ay unang tumulak ang Ama ng ating Lalawigan sa bayan ng Tiaong at sinundan ng kanyang pagbisita sa bayan ng San Antonio upang kumustahin ang mga kababayan nating Barangay Health Workers (BHW) at Nutrition Scholars (BNS), mga Barangay Officials at mga Child Development Workers (CDW) na sinalubog ng Alkalde ng mga nabanngit na bayan.
Ilan sa mga isinagawan aktibidad ay ang libreng influenza vaccine immunization, sinundan naman ito ng pamamahagi ng cash assistance para sa mga BHW, BNS at CDW kasabay ng pagkakaloob sa mga Kapitan ng expanded health coupon na magagamit na sa ilang mga pribadong pagamutan na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan.
Habang para kay Tiaong Mayor Ramon Preza, na ang malaking tulong mula kay Governor Suarez ay malaking tulong sa pamilya ng kanyang mga kababayan kasabay nito ng ilang mga paalala upang labanan ang ASF sa kanilang bayan na nagdulot ng malaking epekto sa ilang barangay sa kanilang lugar. Gayon din ang kanyang pasasalamat sa mga Child Development Workers na tumatayong pangalawang magulang ng mga day care students at sa kanilang pagtupad sa kanilang mga tungkulin.
Para naman kay San Antonio Mayor Erick Wagan, labis ang kanyang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa kanilang walang sawang suportang ipinagkakaloob sa kanilang bayan at naniniwala din siya na malalagpasan ang lahat ng pagsubok na dumarating sa kanilang bayan gaya ng usapin sa COVID at ASF.
Sa mensahe naman ni Vice Governor Sam Nantes, ngayon aniya ang panahon na tinutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang mga ipinangako noong eleksyon gayon din ang kanyang pagpapaabot ng buong suporta sa Provincial Government sa bawat programang kanilang ipinagkakaloob sa ating mga kalalawigan.
Samantala, malugod namang ibinalita ng Ama ng ating Lalawigan sa ating mga kababayan sa Tiaong at San Antonio na nalalapit ng magamit sa mga pribadong pagamutan ang expanded health coupon dahil kung sakali na may magkasakit sa miyembro ng inyong pamilya ay kasangga natin si Governor Suarez. Aniya na “ang problema mo ay problema ko, share burden tayo”. Dagdag pa niya na sa mga susunod na mga panahon ay pormal ng bubuksan ang ipinagawang MRI Facility sa Quezon Medical Center.
Sa ngayon ay nagagamit na ang ipinalagay na CT scan sa QMC gayon din ay nariyan ang layon ng ating Gobernador na magamit na rin ang coupon sa mga pribadong botika sa ating Lalawigan sa susunod na taon. (Quezon - PIO)
No comments