Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa 2020, isinagawa ng lpihs sa lungsod ng Tayabas

By Niel Orven A. Talavera, SST – III September 5, 2020 Ang mga nagwagi sa patimplak sa kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng Buwan n...

By Niel Orven A. Talavera, SST – III
September 5, 2020


Ang mga nagwagi sa patimplak sa kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020: Hugot Post: Diether Vargas (Unang Pwesto); Ronald Zuniga (Ikalawang Puwesto); at Jhanna Lhatifha (Ikatlong Puwesto); Spoken Word Poetry: Monica Lalamunan (Unang Pwesto); Trisha Mae Saligumba (Ikalawang Puwesto); at Jasper Razo (Ikatlong Puwesto); at Birtwal na Tagisan ng Talino: Myriz Bayani (Unang Pwesto); Zion Emmanuel Zorilla (Ikalawang Puwesto); at Joshua Cabesuelas (Ikatlong Puwesto); – Larawan ni Denise Baculi, Grade 10 Representative ng LPIHS - SSG.

LUNGSOD TAYABAS – Isinagawa ang kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020 ng Luis Palad Integrated High School sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipino at ng LPIHS – Supreme Student Government, Agosto 31.

Alinsunod sa itinakda ng Presidential Proclamation Blg. 1041, s. 1947, taon-taong ipagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Batay naman sa Regional Memorandum Blg. 320, S. 2020 ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020 na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.





“Salamat sa inyong pakikiisa sa okasyong ito higit sa lahat sa Poong Maykapal at hindi tayo pinababayaan at lagi tayong ginagabayan sa oras na ito. Lagi nating tatandaan na kahit hindi Buwan ng Wika ay mahalin natin ang sariling atin, ang wika natin. Pagpupugay sa kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, kapwa ko Paladian,” pahayag ni Bb. Glenna S. Jalbuena, Pangulo ng Supreme Student Government.

Sinabi ni Dr. Christian J. Bables, EPS sa Filipino ng Dibisyon ng Lungsod ng Tayabas, “Mga mahal naming batang Tayabasin tulad ninyo ay isang butil ng kape na sa kabila ng lahat ay patuloy ninyong ginigising ang diwa ng pag-ahon at pag-asa.”





Sa pagtutulungan ng mga guro sa Kagawaran ng Filipino at Senior High School at ang lahat ng mga bumubuo sa LPIHS - Supreme Student Government ay matagumpay na naisakatuparan ang kauna-unahang birtwal na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020 sa kabila ng kinahaharap nating mga pandemya sa kasalukuyan.

“Ang mga kaganapan na inyong nasaksihan ay isang pagpapatunay lamang na kami sa Luis Palad Integrated High School ay nakahandang salubungin at tanggapin ang hamon ng Bagong Normal, na kami ay may Pusong Kumakalinga at Nagmamahal sa ating sariling wika,” pahayag ni Gng. Cynthia S. Zorilla, Ulongguro III ng Kagawaran ng Filipino.

Iba’t ibang patimpalak ang inihanda ng mga guro sa Filipino at LPIHS - SSG upang hubugin ang talento ng mga mag-aaral. Ang unang timpalak ay ang birtwal na Tagisan ng Talino na ginamitan ng Quizziz App na pinagtagumpayan nina Myriz Bayani (Unang Pwesto), Zion Emmanuel Zorilla (Ikalawang Puwesto), at Joshua Cabusuelas (Ikatlong Pwesto). Ang ikalawang timpalak ay ang Spoken Word Poetry na pinagwagian nina Monica Lalamunan (Unang Pwesto), Trisha Mae Saligumba (Ikalawang Puwesto), at Jasper Razo (Ikatlong Pwesto). Ang panghuling timpalak ay ang Hugot Post na pinangunahan nina Diether Vargas (Unang Pwesto), Ronald Zuniga (Ikalawang Puwesto), at Jhanna Lhatifha (Ikatlong Pwesto).

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.