By Henry Buzar September 26, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mukhang may katotohanan na kung nag-luluwag ang isang lugar at buksan ang mga ...
September 26, 2020
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mukhang may katotohanan na kung nag-luluwag ang isang lugar at buksan ang mga negosyo at ekonomiya nila, tumataas nga ang bilang ng nahahawa kay COVID. Kung oobserbahan nating mabuti ang Lucena ay nag-anyong normal sa dami ng mga sasakyan sa kalye at sa mga taong paroon at parito sa poblacion.
Umaga pa lang masikip na ang trapiko at aguyod ang mga tao kung saan-saan, pauli-uli. Marami pa rin ang pasaway kayat mula sa 212 noong Agosto 26 ngayon ay domoble na sa 419. Lumalabas na domoble ang bilang sa loob ng 26 na araw na dapat ay 28 araw ayon sa pag-aaral ng UP. Oobserbahan natin sa mga susunod na araw kung gaano kabilis ang pagdami ng nahahawa. Kung mas maikling panahon ang pagdoble maaring may mga clusters na hindi naman matrace kung saan nanggagaling.
Delikado kung ito ay nagiging trend. Ibig sabihin, tumataas ang
"trend line" sa halip na humahaba ang panahon ng doubling time. Ito ay naoobserbahan din naman sa ibang bayan sa Quezon ngunit kaiba sa lungsod ng Lucena.
Kung maghihigpit ang Lucena City government na ibalik sa GCQ o MECQ, pag-aralan at hanapin ang mga clusters at super-spreading events at magpatupad ng mas mabigat na atas.
Ganon din naman na matagal ko ng nabanggit, ang pagdami ng namamatay ay may mataas na relasyon sa pagdami ng nagpopositibo lalo pa kung hindi na kinakaya ng mga hospital ang patuloy na pagdami ng pasyenteng may relasyon kay COVID. Delikado ito para sa atin sapagkat lumalaki ang tyansa na mahawa tayo kapag dumadami ang kaso ng nagpopositibo.
Marami ring mga eksperto ang nagsasabi na tatalunin pa ang “vaccine” ng pagsusuot ng face mask, malimit na paghuhugas ng kamay at social distancing sa pagpigil kay COVID. Ibig sabihin maghigpit tayo sa pagpapatupad ng palagiang pagsusuot ng face mask at gawin na itong parte ng ating buhay hanggang magzero na at wala ng tinatamaan ni COVID.
No comments