By Quezon PIO September 26, 2020 Kinabibilangan ni Vice Gov...
September 26, 2020
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tuloy-tuloy na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programa para sa iba’t-ibang sector sa ating Lalawigan sa kabila ng krisis na sumusubok sa ating Probinsya dulot ng COVID-19.
Kung saan nitong nakaraang araw ng Miyerkules, ika-23 ng Setyembre ay tumulak ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan na kinabibilangan ni Vice Governor Sam Nantes at ng kinatawan ni Governor Danilo E. Suarez na si 3rd District Board Member Jet Suarez upang personal na ihatid ang ayuda para sa ating mga kalalawigan sa bayan ng Buenavista.
Unang nakasama ng ating mga nabanggit na opisyal ay ang mga Barangay Health Workers (BHW) na napagkalooban ng assistance at blood pressure apparatus na magagamit sa kanilang mga trabaho.
Kasunod naman ay nakumusta nina Vice Governor Nantes at Bokal Jet ang mga public school teachers ng naturang bayan at naipaabot ang assistance para sa kanila gayon din ang mga bond papers na bahagi ng Serbisyong Suarez Complementary Assistance and Response for Education Sector(C.A.R.E.S).
Sinundan naman ito ng pamamahagi ng health coupon para sa mga Barangay Kapitan, assistance para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Child Development Workers (CDW) kasama pa ang tinatawag na Early Child Care Development (ECCD) checklist na ipinaliwanag ni Bokal Jet Suarez ang kahalagahan ng serbisyong ipinagkakaloob para sa ating mga kalalawigan sa kabila ng pandemyang sumusubok sa ating lahat.
Habang, inihayag naman ni Vice Governor Nantes ang kanyang patuloy na pagpapaabot ng suporta sa bawat serbisyo at programang ipinagkakaloob ng Pamahaalang Panlalawigan para sa bawat Quezonian.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Buenavista Mayor Medy Rivera sa suporta at tulong na ibinibigay ng Ama ng ating Lalawigan at ni Unang Ginang at 3rd District Congw. Aleta Suarez para sa kanilang bayan na aniya ay matagal na nilang kaisa sa mga magagandang programa para sa kanyag mga kababayan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mga serbisyo para sa mga Quezonian sa kabila ng pakikipaglaban sa banta ng COVID-19 ay umiikot ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan para masigurong angb serbisyo ay maipaaabot saan mang sulok ng Lalawigan. (Quezon – PIO)
No comments