By Syrel Paulite September 5, 2020 Museo ng Gumaca. (Photo from Gumaca Heritage District: Museo ng GUMACA FB Page) GUMACA, Quezon - ...
September 5, 2020
Museo ng Gumaca. (Photo from Gumaca Heritage District: Museo ng GUMACA FB Page) |
GUMACA, Quezon - Balik aral sa kasaysayan halina at magbalik tanaw, bilang isa sa mahusay na pamumuno ng dating Punong Bayan Mayor Erwin Caralian ay nakapag tayo ng isang napakagandang museo sa Bayan ng Gumaca. Sa pakikipagtulungan ng taong bayan ay nakapag pundar ng mga artifacts na maaaring ibahagi sa museo. Makikita ang iba’t ibang mga kagamitan sa panahon ng mga kastila, hapon at amerikano tulad ng mga lumang kubyertos at sinaunang pera sa loob ng museo. Sa unang palapag ay matatagpuan ang magagandang pinta ng tanyag na pintor na si Ginoong Manuel Ancaja na nagmula sa Bayan ng Gumaca.
Sa ikalawang palapag ay naroon ang mga larawan ng mga namuno sa Bayan ng Gumaca kung kaya’t makikilala ang bawat isa sa kanila. Dito rin matatagpuan pa ang iba’t ibang uri ng mga artipaks at mga tula na likha ng tanyag na si Ginoong Alfredo Dansico. Noong ika-15 ng Mayo taong 2018, itinayo ang museo na ito upang makapag bahagi ng kaalaman hindi lamang sa mga nasasakupan ng bayan na ito kundi maging sa karatig na bayan na nais malaman ang kasaysayan ng bayan.
Ayon kay Ginoong Albert Barreto, isa sa namamahala at taga-ingat ng museo “Hindi pa man naitatayo ang museo ay nandito na kami, nag-aaral ng kasaysayan at nangangalap ng mga artifacts sa bawat bahay na maaari nilang ibahagi sa itinatayong museyo” dagdag pa nito, “ang museyong ito ay "Sense of Pride" sa aming mga taga gumaca dahil ito ay binuo ng may pag mamahal at sa tulong ng aming kasalukuyang Punong Bayan na si Mayor Webster Letargo ay patuloy ang pagpapaganda sa museyo na ito”.
Ang kasaysayang walang humpay sa kasaganahan. Itinatag ang museo dahil sa pagmamahal at pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan ng Gumaca sa ating kasaysayan, kultura, at sining.Ang Museo ay karangalan ng bayan. Ang mga nakalagay na Museum objects ang nagsisilbing materyal na ebidensya ng ating kasaysayan at kultura ng Gumaca. Ang Museo ay bukas mula lunes hanggang biyernes at libre itong puntahan ng kahit na sino. Nais nila na magkaroon ng interaksyon ang museo at ang mamamayan sa Bayan ng Gumaca. Nais nila na magkaroon ng exhibit ang Museo upang makapag ambag ng kanilang mga likha ang sinuman na bumibisita rito.
May batas ding sinusunod sa loob ng museo tulad na lang ng bawal humawak ng mga museum objects, maliban na lang kung interactive. Bawal maingay at bawal ang may flash na camera.
Ngunit may limitasyon ang pagtatanghal ng mga sinaunang kagamitan kapag sa pang karaniwang araw lamang. Dahil na rin sa iniiwasan ang mga mahahalagang artipaks sa pagkasira. At sa kadahilanan na ring mayroon silang tinatawag na "Permanent at Temporary Display.
"Tungkol sa displays, kapag permanent displays, ito. Yung madalas mong makikita sa museo araw araw. Pangmatalagan ika nga,
Samantala, ang temporary displays ito yung karaniwang nasa exhibits. Halimbawa, Tañada exhibit. 2-3 months lang nakadisplay ang mga artifacts mula kay Tañada", ani ni Ginoong Baretto.
Kadalasan ang mga artipaks na kanilang nakukuha ay kusang bigay ng mga mamamayan na mayroong artipaks at ang iba naman ay binenta na nagmula sa mga sinaunang tao o mamamayan ng Gumaca na iningatan din at minahal ang mga kagamitan upang may alaalang maipamahagi sa sanlibutan at sila rin nangalap sa mga artipaks sa iba ibang lugar o bundok na sakop pa ng Gumaca.
Sa kasalakuyan, ay bukas sa publiko ang Museo ng Gumaca na may minimum health standards. Ngunit, wala talaga masyadong nabisita ngayon. Kaya minabuti ng Museo ng Gumaca na tumutok sa online exhibits at pagpopost ng short history. At dito itinatala ang mga impormasyon patungkol sa kasaysayan. (fb page: Gumaca Heritage District: Museo ng GUMACA, https://www.facebook.com/GUMACAheritage)
No comments