By Khaye Brizuela September 26, 2020 Pagtatapos ng webinar sa isang programa kung ...
September 26, 2020
Pagtatapos ng webinar sa isang programa kung saan ang moduleytor ay makikita habang isinasagawa ito. |
LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon - Pinangunahan ng Division Information Technology Officer na si Kendrick C. Cabriga ang pagbibigay ng Technical Assistance sa kaguruan ng dibisyon patungkol sa teknolohiya sa pamamagitan ng Livestreaming sa opisyal na Facebook page ng Dibisyon ng Tayabas noong Sept. 21-22, 2019.
Ginugol ang unang bahagi ng webinar sa pambungad na palatuntunan. Kung saan ipinahayag ng Schools Division Superintendent, Aniano M. Ogayon, CESO V ang pangangailangan ng pagtugon sa hamon ng new normal sa larangan ng edukasyon lalong higit sa paggamit ng teknolohiya.
Samantalang nagbigay ng pagbati ang OIC- Assistant Schools Division Superintendent, Maylani L. Galicia sa dedikasyom ng mga guro na matuto.
Unang tinalakay ng Guro III mula sa Alandy Buenaventura National HighSchool na si G. Edmar Rada ang PC Preventive Maintenance kung saan binigyan linaw niya ang mga dapat gawin upang maging maayos ang kompyuters ng mga guro at makaiwas sa mahal na service fee pagpapa ayos ng mga ito.
Sa ikalawang araw ng webinar, Guro mula sa Luis Palad Integrated High School na si G. Jojo Oabel ang nagpaliwanag kung paano mapapabilis ang paggawa ng lay out gamit aplikasyon na Canva. Dito, binigyang diin niya ang iba’t ibang elemento nito na magpapadali ng trabaho ng mga guro sa paggawa ng mga panturong instruksyonal.
Huling, nagbigay kaalam ang dalub guro mula sa Buenaventura Alandy NHS na G. Michael Leonard Lubiano na isa-isang itinuro ang gamit at tamang paggamit ng Google Forms.
Nagtapos ang webinar sa pagtanggap ng hamon ng pagtuturo sa bagong mormal na ginampanan ng guro mula sa Tayabas West Elementary School na si Gng. Christine V. Cabuyao.
Sa kabuuan, naging maayos ang daloy ng webinar at malaki ang naitulong nitong upang mas mapahusay ang mga guro sa larangan ng teknolohiya.
Live streaming habang nagtuturo ng layouting si G. Jojo Oabel. |
No comments