Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pamamahagi ng expanded health coupon pinangunahan ni Governor Danilo E. Suarez

By Quezon PIO September 26, 2020 (Kaliwa-Kanan) Vice Governor Sam Nantes, Governor...

By Quezon PIO
September 26, 2020

(Kaliwa-Kanan) Vice Governor Sam Nantes, Governor Danilo E. Suarez, 1st District Board Member Alona Obispo. (Photo from Quezon PIO)



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isinagawa ang Pamamahagi ng Health Coupon sa mga Kapitan mula sa mga bayan ng Sampaloc, Pagbilao at Lucban sa pangunguna ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes at 1st District Board Member Alona Obispo.

Kung saan ay naganap ito sa Quezon Convention Center, Lunsod ng Lucena nitong nakaraang araw ng Martes, ika-22 ng Setyembre na bahagi ng programa sa kalusugan o ng mas pinalawig na health coupon na maaari ng magamit sa ilang mga pampribadong pagamutan sa ating Lalawigan.



Habang sa naging mensahe ng Alkalde ng bayan ng Sampaloc Hon. Gelo Devadenera at Pagbilao Hon. Shierre Ann Palicpic labis ang kanilang pasasalamat sa ating Governor dahil sa pagkakaloob ng ganitong mga programa para sa ating mga kababayan.

Gayon din ay nariyan naman ang patuloy na pakiusap ni Board Member Obispo sa lahat na magtulungan lalo na at humaharap ang ating Lalawigan sa isang pandemya dulot ng COVID-19.



Patuloy naman na ipinaaabot ni Vice Governor Nantes ang kanyang buong suporta para sa bawat programa at serbisyong ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga kalalawigan.

Samantala, sa mensahe naman ng ating Governor Danilo E. Suarez, ang kanyang pagpapaabot ng suportang tugon sa usaping pangkalusugan gayon din sa sektor ng edukasyon na isa rin sa mahalagang tinutugunan ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na at humaharap tayo sa bagong normal.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagsuyod ng grupo ng Provincial Government sa iba’t-ibang bayan sa ating Lalawigan upang masigurong maipaaabot ang serbisyo, programa at proyekto para sa ating lahat. (Quezon – PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.