By Henry Buzar September 5, 2020 Kung pagbabasehan ay per-capita death by population, ang Pilipinas ay pang 76 sa buong mundo sa 150...
September 5, 2020
Kung pagbabasehan ay per-capita death by population, ang Pilipinas ay pang 76 sa buong mundo sa 150 bansa na may rekord ng namatay kay COVID gamit ang statista.com website.
Nangunguna dito ang Peru, pang-siyam ang America at pang-sampo ang Mexico. Sa Asia nangunguna ang India at Afghanistan at sumusunod ang Pilipinas at Indonesia. Sa SEA, nangunguna ang Pinas at sinusundan ng Indonesia. (Tingnan ang nakalakip na mga figures sa ibaba)
Sa statistics, may tinatawag na correlation - ang relasyong matematikal sa mga variable. Halimbawa, kung tumataas ang Y tumataas din ang X, ito ay "positively related." Ang isa naman ay "inversed relationship," tumataas ang Y bumababa naman ang X at "vice-verza."
Ang kaso ng Pilipinas ay positive relationship sa 2 variables. Una ang pagdami ng positibo kay COVID at ikalawa, pagdami ng namamatay. Ano ang implikasyon nito?
Nagpapakita ito ng kahinaan sa "health system" natin. Ang mga malinaw na batayan:
1) Inferior ang mga pasilidad ng ating mga pagamutan.
2) Nabulaga ang health system natin at hindi tayo handa sa isang pandemiko.
3) May pagkukulang sa kasanayan ang ating mga health workers gaya ng mga advanced training sa nursing care.
4) Walang plano ang DOH sa pandemic at hindi lapat ang mga plano pang EREID.
5) Ang NAP, ay tinauhan lamang sa paglalagay ng mga retiradong heneral.
6) Ang mga lokal na IATF-COVID ay hindi din handa sa bigat ng biglaang pagdatal ni COVID at gumagawa lang ng aksyon base sa eksperyensya (hindi pro-active).
7) Manama ang pag-gawa ng termino sa halip na "lockdown" pinalambot sa "quarantine" at iba-ibang Quarantine ang kahulugan din naman ay lockdown.
8) Hindi pinatutupad ng lubusan ang "Trace, Isolate, Confine/Quarantine" sapagkat wala namang mga naka-assign upang mag-trace.
9) Masyadong nag-rely si PRRD sa militar at pulis sa halip na sa sibilyan, marahil sa kawalan ng disiplina ng tao.
10) Kakulangan sa mga gamit pang-kalusugan samantalang nakasaad naman sa EREID plan, re: strategies- establishment of logistics management system.
11) Graft and corruption sa PhilHealth at sa DOH.
12) Marami pang iba baka abutin ng 20.
Sapagkat tumututok lamang sa Hepe ng DOH at sa WHO ang buong bansa sa kanyang desisyon, paralisado lahat ang mga ahensya ng gobyerno at naghihintay ng kasunod na hakbang na padadaanin naman sa Pangulo ng bansa. Malinaw na walang nakasulat na plano kung anu-ano ang gagawin sa mga susunod na araw.
Kung lilimiin, nasa kalagitnaan naman tayo sa 150 na bansa, ngunit hindi iyon nagsasabi na maganda ang performance natin sapagkat tayo nga ang numero-uno sa SEA. Kinakailangang i-overhaul ang buong sistema ng DOH at ang health system ng bansa.
No comments