Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Expanded health coupon kaloob sa mga barangay mula sa bayan ng Mauban at lungsod ng Tayabas

By Quezon PIO October 4, 2020 Governor Suarez LUNGSOD NG TAYABAS,...

By Quezon PIO
October 4, 2020

Expanded health coupon kaloob sa mga barangay mula sa bayan ng Mauban at lungsod ng Tayabas
Governor Suarez



LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon - Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez ang pinalawig na health coupon na magagamit na sa ilang mga pribadong pagamutan sa ating Probinsya para sa mga Barangay mula sa bayan ng Mauban at Lungsod ng Tayabas.

Kung saan naganap ang pamamahagi sa Quezon Convention Center, Lucena City nitong nakaraang araw ng Martes, ika-29 ng Setyembre at personal na kinumusta ng ating Gobernador ang 38 mga Barangay Kapitan mula sa Mauban at 66 na Kapitan sa Tayabas City para ipamahagi ang naturang expanded health coupon.



Kung kaya labis naman ang pasasalamat ni Tayabas Mayor Ernida Reynoso at former Mayor Dingdong Llamas na kumatawan kay Mauban Mayor Marita Llamas sa patuloy na pagkakaloob ng ganitong mga serbisyo at ayuda para sa kanilang mga kababayan sa mga lugar na kanilang pinaglilingkuran.

Habang, para kay Governor Suarez nais niya na maipagkaloob at tugunan ang serbisyo na kailangan ng kanyang mga kalalawigan sa kabila ng umiiral na pandemya dulot ng COVID-19 kasabay ng kanyang pasasalamat dahil siya ay nasa posisyon para maglingkod sa mga mamamayan sa ating Probinsya.



Sa panig naman ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Sam Nantes kaisa si 1st District Board Member Alona Obispo ay kanilang pagpapahayag ng patuloy at buong suporta sa mga programa at serbisyong ipinaaabot ng Provincial Government.

Samantala, patuloy na sinisiguro ng Pamahalaang Panlalawigan na maipagkaloob ang mga programa at serbisyo na kailangan ng ating mga kalalawigan mula sa iba’t-ibang sektor na ngayong ang lahat ay dumadaan sa pagsubok dahil sa pandemya. 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.