Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Hatid ay serbisyo at ayuda para sa iba’t-ibang sektor sa probinsya mula sa pamahalaang panlalawigan

By Quezon PIO October 4, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tuloy-tuloy na inihahatid ang mga serbisyo at ayuda para sa iba’t-ibang sekt...

By Quezon PIO
October 4, 2020


Hatid ay serbisyo at ayuda para sa iba’t-ibang sektor sa probinsya mula sa pamahalaang panlalawigan



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Tuloy-tuloy na inihahatid ang mga serbisyo at ayuda para sa iba’t-ibang sektor sa ating Probinsya na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan upang matugunan ang ilan sa kanilang mga pangangailangan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin.

Kung saan ay binisita ang mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan at Unisan nina Vice Governor Sam Nantes, 3rd District Board Member Reynan Arrogancia at ang kinatawan ni Governor Suarez at 3rd District Congw. Aleta Suarez na si Senior Board Member Jet Suarez nitong nakaraang araw ng Miyerkules katapusan ng Setyembre.



Layon ng kanilang pagtungo sa mga nabanngit na bayan na maipamahagi ang mga financial assistance sa mga guro mula sa mga pampublikong paaralan gayon din ang pagkakaloob ng mga bond papers na magagamit ng iba’t-ibang paaralan ngayon na magiging modular ang paraan ng pagtuturo na bahagi ng new normal na epekto ng banta ng COVID-19 sa ating Lalawigan.

Kung kaya naman labis ang pasasalamat ng mga school heads, guro at mga district supervisor sa kaloob na ayuda ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanila na ngayon ay haharap na sa nalalapit na pasukan.



Habang, ibinahagi naman ni Bokal Arrogancia ang kahalagahan ng ginagawang trabaho ng mga guro na silang dahilan sa paghulma ng mga bagong lider na gaya niya na mula sa pampublikong paaralan.

Nagbigay naman ng mensahe si Vice Governor Nantes sa mga guro upang mas lalo silang ma-motivate sa pagharap sa kakaibang paraan ng pagtuturo ngayong nasa ilalim tayo ng pandemya gayon din ang pagkilala sa kanilang ginagampanang tungkulin para masigurong maihatid ang edukasyon sa mga magaaral.



Ibinahagi naman ni Bokal Jet Suarez, ang ilan sa mga patuloy na ipinagkakaloob na programa at serbisyo para sa bawat Quezonian para masiguro na maipaaabot ang ano mang ayuda na kailangan ng ating mga kalalawigan kasabay ng pasasalamat sa pagtupad ng iba’t-ibang mga manggagawa sa kanilang mga tungkulin.

Sa pagtatapos ng araw ay nakasama pa rin ng ating mga halal na opisyal ang mga kababayan natin sa Unisan na mga Child Development Worker (CDW) at Barangay Nutrition Scholar (BNS) na kaagapay ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaabot ng programa para sa kanilang mga ka-barangay katuwang si former Vice Mayor Jun-Jun Suarez na nangangasiwa sa Serbisyong Suarez sa bayan ng Unisan.

Hangad ng Provincial Government na maipahatid ang mga programa para sa ating mga Quezonian sa gitna ng umiiral na pandemya dulot ng COVID-19. 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.