By Quezon - PIO October 10, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ipinagkaloob ang...
October 10, 2020
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ipinagkaloob ang mga ipinangakong proyekto at serbisyo mula sa Pamahalaang Panlalawigan at kinatawan ng ikatlong distrito Congw. Aleta C. Suarez para sa mga bayan ng Macalelon at General Luna nitong nakaraang araw ng Sabado, ika-11 ng Oktubre.
Kung saan unang tumulak ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan a kinatawan ni 3rd district Congw. Suarez sa bayan ng Macalelon upang isagawa ang groundbreaking ceremony ng ipatatayong Municipal Hall na dinaluhan ni Mayor Nelson Traje at District Engineer Carolina Pastrana.
Sinundan naman ito ng pamamahagi ng bond papers na magagamit sa ginagawang module ng mga eskwelahan para sa mga magaaral at assistance para sa mga guro mula sa pampublikong paaralan.
Kasunod nito ay agad na tumungo sina Congw. Suarez sa bayan ng General Luna para pangunahan ang grounbreaking ng ipagagawang Municipal Hall at Multi-purpose building para sa mga mamamayan ng naturang bayan gayon din ay ipinagkaloob ang mga bond papers at assistance sa mga guro na haharap sa makabagong paraan ng pagtuturo ngayong nararanasan na ang new normal sa ating bansa dahil sa paglaban sa COVID-19 kaisa naman si Gen. Luna Mayor Matt Erwin Florido, Vice Mayor Boy Red at District Engineer Carolina Pastrana sa naturang aktibidad.
Napagkalooban din ng assistance ang dating tinatawag na day care workers na ngayon ay kilala na bilang child development workers (CDW) at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) na kaisa sa pangangasiwa sa pagsiguro sa maayos na kalusugan ng kanilang mga ka-barangay.
Sa mensahe ni Unang ginang at 3rd District Representative Aleta Suarez, kanyang ibinahagi ang ambisyon nila ni Governor Danny Suarez na magpagawa ng mga bagaong munisipyo sa buong 3rd district gayon din ang kaniyang pasasalamat sa mga mamamayan sa binigay na pagkakataon para sila ay makapaglingkod.
Patuloy na sinisiguro ng Provincial Government na ang bawat serbisyo at programa ay maipararating sa ating mga kalalawigan ngayong an gating Probinsya ay humaharap sa pandemya dulot ng COVID-19.
No comments