Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kung paanong nawala ang isang milyong buhay kay covid-19 (Hango sa “How the world lost 1 million lives to covid-19,” artikulo ng StraitTimes)

By Henry Buzar October 4, 2020 Walong buwan matapos maitala ng Tsina ang kauna-unahang namatay sa coronavirus, higit sa isang milyong katao ...

By Henry Buzar
October 4, 2020

Walong buwan matapos maitala ng Tsina ang kauna-unahang namatay sa coronavirus, higit sa isang milyong katao ang nawala sa Covid-19, isang sakit na dumapo ngayon sa halos lahat ng kontinente at hindi nagpapakita ng mga palatandaan ng pagbawas.

Feb. 14: Makaraan lang ng isang buwan pagkatapos magsimula si COVID sa China, nakaranas sila ng mahigit na 200 namatay sa sakit na ito at 1,000 na kaso sa buong daigdig kasama ang Plipinas. Nagbigay ito ng babala sa mundo kung ano ang dapat nilang asahan.



Mar 13: Habang bumabagal ang dami ng mga namamatay sa China, nagsimula namang tumaas ang mga kaso sa South Korea at Italy.

Mar 28: Wala pang isang buwan, nagawa ng SK na bumaba ang bilang ng mga namatay sa virus kumpara sa mabilis ng pagdami ng namatay sa Italy. Ang Italy ang siya naman naging sentro ng pandemic sa buong mundo.
April 2: Kumalat na sa buong mundo si COVID at nanalasa sa Europe at nagsimula ding dumami ang kaso sa US na nagtala ng nasa 1,000 na namatay.



April 17: Nagtala ng pinakamataas na bilang ng namatay sa buong mundo na umabot ng 8,000.
Ang araw na ito ay minarkahan din bilang pinaka-grabeng araw ng naitala ng US ang higit sa 2,500 na namatay sa virus halos kasing dami ng pinagsamang bilang ng mga namatay sa Britain, France, Italy at Spain.
Sa Singapore, umabot sa isang libo ang kaso ni COVID ngunit 27 lamang ang naitalang namatay
Sa buong Asia, mapapansin na maliit lamang ang bilang ng mga namamatay kay COVID kagaya ng Japan kumpara sa Europe at America

Mayo 22: Idineklara ng WHO ang South America na bagong epicenter ng pandemic. Mahigit 1K ang namatay sa Brazil.



July: Sa kalagitnaan ng Hulyo ibinaling ang pansin pabalik sa Asia ng ang Indonesia at Pilipinas ay nakapagtala ng mahigit 100 namatay kay COVID sa loob ng isang araw lamang. Ang mga namamatay kay COVID sa Pilipinas ay bumagal habang nagtala naman ang Indonesia ng patuloy na pagdami ng nasasawi sa virus.
September: Habang umabot na halos sa isang milyon ang namatay kay COVID-19, nalampasan naman ng India ang Brazil sa bilang ng tinamaan ni COVID at pumangalawa ito sa US sa pinakamaraming naapektuhan ni COVID.

Habang lumalapit tayo sa huling quarter ng taon, sa gitna ng mga pagsusumikap ng mga bansa na mapigil ang pagdami ng nahahawa kay COVID, “ANG MGA NAMAMATAY AY PATULOY NA DUMADAGSA AT MGA PANIBAGONG ALON NI COVID-19 ANG PATULOY NA UMUUSBONG.”

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.