Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagbilao LGU, namahagi ng fuel subsidy sa transport sector

By Ruel Orinday October 10, 2020 Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic habang namamahagi ng fuel subsidy sa mga kababayang tricycle at jee...

By Ruel Orinday
October 10, 2020


Pagbilao LGU, namahagi ng fuel subsidy sa transport sector
Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic habang namamahagi ng fuel subsidy sa mga kababayang tricycle at jeepney drivers ngayong Oktubre 7, 2020 sa Brgy. Ikirin, Pagbilao, Quezon. 



PAGBILAO, Quezon - Namahagi ng fuel subsidy ang lokal na pamahalaan ng Pagbilao noong Oktubre 7 sa transport sector partikular sa mga tricycle at jeepney drivers na naapektuhan ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pagbilao, ang pamamahagi ng fuel subsidy ay idinaos sa Barangay Ikirin sa bayang ito kung saan ang bawa't isang tricycle driver ay tumanggap ng fuel subsidy/voucher na nagkakahalaga ng P1,000.00 mula sa lokal na pamahalaan.



Tumanggap naman ng P2,000.00 bawat isa ang mga jeepney drivers na nakaranas din ng kahirapan noong mga nakaraang mga buwan ng Marso hanggang Hunyo dahilan sa kawalan ng pasada dulot ng community quarantine.

Ang subsidiya ay non-transferable at maaari lamang magamit sa mga accredited gas stations.



Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga tricyle at jeepney drivers sa lokal na pamahalaan ng Pagbilao sa pagkakaloob ng fuel subsidy.

Isa sa mga tricycle driver na nagpasalamat matapos makatanggap ng fuel subsidy si G.Felipe Reyes Jr.

"Maraming salamat po sa ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Portes Palicpic sa ipinagkaloob ninyong fuel subsidy sa transport sector lalo na sa aming mga magta-tricycle sa bayan ng Pagbilao, isa po itong patunay na may puwang kami sa pamahalaang bayan at binibigyan ninyo ng pagpapahalaga", sabi pa ni Reyes

Ang pamamahagi ng fuel subsidy ay pinangunahan nina Mayor Palicpic, Municipal Administrator Engr. Ian T. Palicpic, ilang mga konsehal ng bayan na sina Manuel Luna at Dita Ayaton gayundin si Jane Luce.(Ruel Orinday-PIA Quezon with reports from Municipality of Pagbilao FB page)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.