By Quezon - PIO October 10, 2020 Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaisa sin...
October 10, 2020
Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaisa sina 2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez, Vice Governor Sam Nantes, Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala. (Photo by Quezon - PIO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Isinagawa ang pagkakaloob ng pinalawig na health coupon sa mga barangay sa Lungsod ng Lucena na handog ng Pamahalaang Panlalawigan nitong nakalipas na araw ng Sabado, ika-10 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Kung saan pinangunahan ng Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, 2nd District Cong. David “Jayjay” Suarez, Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala, ABC President Jacinto Jaca,Youth Ambassador ng Lucena City Mark Alcala, City Councilor and SK Federation President Patrick Norman Nadera ang naturang aktibidad na ginanap sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena.
Habang matatandaan na ang ipinamahaging health coupon ay maaari ng magamit sa ilang mga pribadong pagamutan sa Lalawigan na katuwang ng Provincial Government sa programang ito at dito sa Lungsod ng Lucena ay magagamit ang coupon sa Mt. Carmel Hospital at St. Anne General Hospital.
Sa naging mensahe ng Alkalde ng Lungsod ng Lucena Dondod Alcala, andyan ang kanyang pasasalamat sa mga serbisyo at programang ipinagkakaloob sa kanyang mga nasasakupan gayon din ang kanyang layunin ng patuloy na maghatid ng programa para sa mga Lucenahin sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Gayon din ay nariyan ang suporta ng kumakatawan sa ikalawang Distrito, Congressman David “Jayjay” Suarez sa mga programang nakalaan para sa 2nd district at sa Lungsod ng Lucena kabilang na ang nalalapit na pagpapatayo ng Lucena District Hospital at naisin niyang pagbibigay ng programa para sa mga barangay sa ikalawang distrito ng Lalawigan di man sa kanyang unang taong panunungkulan kundi sa kanyang termino bilang kongresista.
Ipinahayag naman ni Vice Governor Sam Nantes ang kanyang buong suporta sa mga programang inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa ating mga kababayan sa Probinsya ng Quezon.
Samantala, ibinahagi naman ni Governor Danny Suarez ang mga ipinagpapatuloy at pinalalawig na programa para sa mga Quezonian gayon din ang mga nakatakdang paglulunsad ng mga proyekto at programa na tumutugon sa iba’t-ibang sektor ng Lalawigan gayon din ang ilang mga panawagan at paalala upang malagpasan ang pandemyang nararanasan ng Probinsya ng Quezon.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy na sinisiguro ng Provincial Government katuwang ang mga LGU na maipaaabot ang mga kailangang programa ng ating mga kalalawigan lalo na ngayong sinusubok ang lahat dahil sa banta ng COVID-19 kasabay ng ilang naapektuhan ng dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan kamakailan na dala ng pagbaha sa ilang mga lugar sa Lungsod ng Lucena na agad namang natugunan ng mga nanunungkulan sa ating Lalawigan.
No comments