By Quezon - PIO October 24, 2020 TAYABAS CITY - Isinagawa ang pamamahagi ng assistance para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Chil...
October 24, 2020
TAYABAS CITY - Isinagawa ang pamamahagi ng assistance para sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Child Development Workers (CDW) ng Lungsod ng Tayabas sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez nitong araw ng Lunes, ika-19 ng Oktubre. Kung saan naganap ang nabanggit na aktibidad sa covered court, Barangay Lita na dinaluhan ng ating 1st district board member Alona Obispo, Tayabas City Mayor Ernida Reynoso at Sangguniang Lungsod ng Tayabas.
Habang, labis naman ang pasasalamat ni Mayor Reynoso sa Pamahalaang Panlalawigan sa ipinagkakaloob na suporta para sa Lungsod ng Tayabas kanya ring ibinahagi ang patuloy na pagaksyon upang matugunan ang usapin ng covid-19 sa pamamagitan ng pagpagawa ng Isolation Facility sa kanilang Lungsod.
Inihayag naman ni Bokal Obispo ang kanyang patuloy na suporta sa bawat programang ipinagkakaloob ng Provincial Government para sa ating mga kalalawigan.
Samantala, sa mensahe ng ating Governor Danny Suarez kanyang inihayag ang pagkilala sa mga BNS at CDW dahil sa pagtupad sa kanilang tungkuling ginagampanan gayon din kanyang ibinahagi ang ilan sa mga programa at serbisyo ipinagkakaloob sa bawat Quezonian.
Nagpapatuloy naman ang pagikot ng grupo ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba't-ibang distrito ng ating Probinsya upang maipagkaloob ang kailangang suporta ng ating mga kalalawigan.
No comments