Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PRLEC Convergence, inilunsad ng TESDA sa General Nakar

By Ruel Orinday October 4, 2020 GENERAL NAKAR, Quezon - Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang P...

By Ruel Orinday
October 4, 2020


PRLEC Convergence, inilunsad ng TESDA sa General Nakar


GENERAL NAKAR, Quezon - Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) convergence sa munisipyo ng bayang ito noong Setyembre 24 sa pangunguna nina TESDA Region-4A Regional Director Toni June Tamayo at TESDA Quezon Provincial Director Gerry Marasigan.

Sinabi ni Marasigan na ang PRLEC convergence ay ang pagsasama-sama ng iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan kasama na ang TESDA na may layuning magbahagi ng kaalaman at kasanayan sa paghahanaphuhay sa mga mahihirap na barangay.



Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng may 25 residente na kinabibilangan ng mga katutubo at mga rebel returnees mula sa Barangay Lumutan na sasailalim sa pagsasanay na "Organic Agriculture Production NC-II sa loob ng 12 araw. Kabilang sa mga paksa ng pagsasanay ang paggawa ng organic fertilizer, mga paraan o kung paano mag-alaga ng organic chicken, organic na kambing at organic vegetable.

"Ang Barangay Lumutan ay identified ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para mabigyan ng sustainable livelihood o pagsasanay sa organic agriculture production NC-II", sabi pa ni Marasigan



Sinabi naman ni Director Tamayo na ang proyekto ay sustainable at hindi 'ningas kugon' at naglalayong matulungan ang mga benipisyaryo ng programa na mapalago ang mga proyektong pangkabuhayan na ibinibigay ng pamahalaan.

"Ang TESDA ay magbibigay din ng training allowance sa pagdalo ng mga benipisyaryo ng programa samantalang ang iba pang ahensiya ng ating pamahalaan na nagpahayag ng pagsuporta sa programa ay tutulong din", sabi pa ni Director Tamayo

Sinabi pa ni Tamayo na nilalayon din ng paglulunsad ng PRLEC na wakasan mga karahasan o local communist armed conflict.

Tampok din sa paglulunsad ng programa ang paglagda sa pledge of commitment ng mga ahensiya ng pamahalaan na kasapi ng Quezon Provincial Poverty Reduction and Livelihood Employment Cluster (PRLEC).

Samantala, naging bahagi rin ng programa ang paglulunsad ng Solar Power Lighting System sa Barangay Pagsangahan kung saan may 55 mga benepisaryo ang makikinabang kabilang ang mga katutubo at mga rebel returness. (Ruel Orinday/ PIA-Quezon)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.