By Quezon – PIO October 24, 2020 LUCENA CITY - Patuloy na ibinababa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez ang...
October 24, 2020
LUCENA CITY - Patuloy na ibinababa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez ang mga programa at serbisyo para sa iba’t-ibang sektor sa ating Probinsya sa kabila ng pandemya dulot ng COVID-19 kasabay ng nararanasang sama ng panahon dahil sa mga bagyong pumapasok sa ating bansa.
Kung saan personal na binisita ng grupo mula sa Provincial Government ang mga bayan ng Sampaloc at Lucban nitong araw ng Martes, ika-20 sa buwan ng Oktubre kaisa sina Vice Governor Sam Nantes at 1st district Board Member Alona Obispo upang kamustahin ang ating mga kalalawigang Barangay Nutrition Scholars (BNS), Child Development Workers (CDW) at mga public school Teachers.
Habang taos pusong sinalubong ni Sampaloc Mayor Gelo Devenadera at Lucban Vice Mayor Bonbon Villaseňor ang grupo ng Pamahalaang Panlalawigan kaakibat ang kanilang pasasalamat para sa suporta, serbisyo at programang ipinagkakaloob sa kanilang mga bayan.
Gayon din ay inihayag naman ni Bokal Obispo ang buong suporta sa Pamahalaang Panlalawigan sa mga serbisyo na ipinaabot para sa iba’t-ibang sektor sa ating Lalawigan.
Para naman kay Vice Governor Nantes, andyan ang pagkilala sa mga patuloy na ginagampanang tungkulin ng ating mga kababayang BNS, CDW at mga guro na ngayon ay haharap sa bagong normal kasabay ng kanilang mga adjustments sa kanilang mga trabaho.
Samantala, sa mensahe ng Ama ng ating Lalawigan Danny Suarez andyan ang kanyang pasasalamat sa mga guro na humuhulma sa kaisipan ng mga kabataan gayon din sa mga BNS at CDW na silang unang umaagapay para sa tamang nutrisyon at kaalaman na kailangan ng mga bata kasabay nito ang kanyang pagbabalita ng mga pinalawig na serbisyo at programa para sa ating mga kalalawigan.
Buong puso naman ang pasasalamat ng mga BNS, CDW at mga guro dahil sa pagtugon ng Provincial Government sa mga kailangan nilang suporta upang kanilang matugunan ang kanilang mga tungkulin at para sa kanila hindi hadlang ang ating sitwasyon sa ngayon para magampanan nila ang kanilang mga trabaho.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pagikot ng grupo ng Pamahalaang Panlalawigan sa apat na distrito ng ating Probinsya para masigurong maihahatid ang serbisyo sa ating mga kalalawigan ano mang oras.
No comments