By Khaye Brizuela October 4, 2020 SK Art B. Pontioso habang nagpapahatid ng pagsup...
October 4, 2020
SK Art B. Pontioso habang nagpapahatid ng pagsuporta sa Gawain ng Sangay ng Dibisyon ng Tayabas. |
LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon - Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa Lungsod ng Tayabas namahagi ng “learning kits” ang Pederasyon ng SK sa pangunguna ng Kapitan ng SK ng Lungsod ng Tayabas na si Art B. Pontioso katuwang ang Punong Lungsod Ernida Reysono sa Casa Communidad sa at iba’t-ibang pambulikong paraalan noong ika 27 ng Setyembre, 2020 mula ika 10 ng umaga hanggang ika 4 ng hapon.
Prinisenta ang iba’t-ibang proyekto at aktibidad ng Sangay ng Dibisyon ng Tayabas noong ika 24 ng Hulyo, 2020 sa buwanang pagpupulong ng Pederayon ng Sangguniang Kabataan sa Balilo Function Hall bilang bahagi ng Brigada Eskwela.
Nagkaroon ng kamalayan ang mga SK sa mga pangangailangan ng mga kabataan sa kanilang mga baranggay upang maging kaagapay ng Kagawan ng Edukasyon sa Learning Continuity Plan (LCP) ng bawat paaralan. Pinatibay nang pagtatala ng pagsuporta ng mga kabataang lider ang kanilang pangakong tumugon at makiisa sa hamon ng edukasyon.
May kabuuang 18 paaralan ang nakatanggap ng learning kits kasama ang lahat ng paaralang sekundarya at mga paaralang elementarya na mayroon programang SpEd of Special Education.
Maliban dito, tumugon din ang iba’t-ibang Kapitan ng SK sa bawat baranggay sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang proyekto kagaya ng pamamahagi ng laptop table at usb, pagdodonate ng lagayan ng modyul, pagboboluntaryo sa pamamahagi ng modyuls at iba pa.
Teacher in Charge Adrian Naynes ng Busal Elementary School kasama ang mga kasamahan ni SK Art B. Pontioso sa South Palale Elementary School habang tinatanggap ang “learning kits”. |
No comments