Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

3rd Multi-track forecasts

by Henry Buzar November 9, 2020 Thunderstorm (Photo from Pixabay) Weather observatories now differ in their forecast which would make it dif...

by Henry Buzar
November 9, 2020

3rd Multi-track forecasts
Thunderstorm (Photo from Pixabay)



Weather observatories now differ in their forecast which would make it difficult to ascertain an accurate path of the typhoon. However, the difference of hundred kilometers won't matter much with this kind of typhoon.

Ano ang mga panganib dala ng bagyong si Rolly?



1. STORM SURGE:
Malaki ang tyansa na magkaroon ng storm surge base sa ulat ng PAGASA. Kinakailangang ilikas kakaagad ang mga nasa-baybayin ng dagat lalong lalo na sa mga nasa Lamon Bay, baybayin ng Alabat islands, REINA at POGI.

Sa aking pag-tatanong sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda sa Tacloban, may mga nakaligtas na nagkwento na pagkatapos na sila ay mailikas sa evacuation center at ng pa-umaga na, biglang pumasok ang malalaking alon at isa-isang hinila ang mga tao sa loob ng evacuation center papuntang karagatan. Nakaligtas lamang daw siya ng lumambitin siya sa kawad ng koryente.




2. MADAGANAN NG MGA GUSALING GUMUHO O MATUMBAHAN NG PUNO.
Marami sa report ng mga LDRRMO na ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa Quezon at iba pang mga lugar ay ang pagkatumba ng mga malalaking punong-kahoy na dumagan sa mga kabahayan. Marami rin akong nakitang mga bahay na tinamaan ng nabaling mga puno ng niyog. Kung may puno ng buli sa tabing bahay, mas nakabubuting lumikas na lang sa ibang mga kamag-anak. malaki ang porsyento na ang mga puno ng buli ay bumagsak. May panahon pa naman, putulan ng mga sanga ang mga punong malapit sa kabahayan.


3. PAG-GUHO NG LUPA
Kung malakas ang mga pag-ulan o dili kaya ay malakas ang mga hangin sanhi ng pagkabunot ng mga puno sa mga dalisdis, ito ang magiging sanhi ng mga pag-guho ng lupa. Ang tubig ay maghahanap ng daan kaya obserbahan kung saan dumadaan ang mga tubig sa sapa, ilog at mga kanal. Kung dumadaan sa mga dalisdis ng bundok, malaki ang tyansa na magkaroon ng mga pag-guho o kung may dating estorya na ng mga pag-guho.




4. PAG-BAHA
Base sa analisis ng PAG-ASA aabot sa "intense rain" ang mga pag-ulan sa ibang mga lugar. Kapag intense, maaring bumaha sa mga mababang lugar at mapagaya tayo sa Vietnam mga ilang linggo lamang ang nakaraan. Kung may karanasan ng mga pagbaha sa inyong lugar lumikas ng maaga.


A. Kung gabi o madaling araw papasok si Rolly:
1. Madadagdagan ang maaring mamatay sanhi ng bagyo


B. Kung araw at may kaunting liwanag:
1. Makapaghahanda daglian ang mga tao kung magkabaha o magkaroon ng storm -surge at mababawasan ang pagkawala ng buhay.


MAS MABUTI NA ANG MAAGANG PAGLIKAS KAYSA MAGHINTAY NG PAG-DILIM.
May isang barangay sa Tacloban na tinawag na BARANGAY NG MGA BALO. Noong inabisuhan ang barangay na lumikas, ang mga kababaihan lamang ang mga lumikas at nag-paiwan ang mga Tatay at mga anak na lalaki. Sila ang tinangay ng storm surge sa karagatan at marami sa kanila ang namatay.

MAG-INGAT PO TAYO AT MAKINING SA MGA BANDILYO AT SA MGA LDRRMO NG BARANGAY. KUNG MAY ABISO NG PAGLIKAS, LUMIKAS KAKAAGAD.

HANGAD PO NATIN ANG KALIGTASAN NG LAHAT

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.