Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Aid to individual in crisis situation, ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Gumaca at Lopez

by Quezon – PIO November 9, 2020 LUCENA CITY - Ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Gumaca at Lopez ang Aid to Individual in Crisis Situation (A...

by Quezon – PIO
November 9, 2020


Aid to individual in crisis situation, ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Gumaca at Lopez


LUCENA CITY - Ipinagkaloob sa mga mamamayan ng Gumaca at Lopez ang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) mula sa tanggapan ni Senator Bong Go sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at tanggapan ni Alona Partylist Representative Anna Villaraza-Suarez nitong nakaraang araw ng Huwebes at Biyernes, ika 23-24 ng Oktubre.

Kung saan ang mga benepisyaryo nito ay ang ating mga kalalawigang na apektuhan ng pagbaha dulot sa mga nagdaang sama ng panahon bukod sa cash assistance nariyan naman ang raffle para sa mga maswerteng mabubunot na napagkalooban ng bisekleta at tablet.



Labis naman ang pasasalamat ni Gumaca Mayor Webster Letargo dahil sa mga ipinagkaloob na ayuda para sa kanyang mga kababayan gayon din ang pagsiguro niya na nakaalalay ang Pamahalaang Lokal sa bawat pinagdadaanan ng ng kanilang bayan.

Para naman sa mensahe ni Chief of Staff at Executive Assistant IV Jenny Suarez-Lopez na kumatawan sa Ama ng ating Lalawigan Danilo E. Suarez, kanyang ibinahagi ang ilan sa mga programang patuloy na ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan gayon din ang agad na pag-aksyon sa ating mga kalalawigang naapektuhan ng pagbaha mula sa bayan ng Lopez, kasabay ng mga paalala na ibayong pag-iingat upang patuloy na labanan ang banta ng COVID-19 sa ating Lalawigan.



Samantala, sa mensahe ni Senator Bong Go, bukod sa kanyang mga ipinadalang tulong para sa Probinsya ng Quezon ay nariyan din ang Malasakit Center na maaaring lapitan ng sino mang mamamayang Pilipino ang nangangailangan ng tulong gayon din ang kanyang mga paaalala ng ibayong pag-iingat lalo na sa panahon ngayon. Nariyan din ang kanyang pagsaludo sa iba’t-ibang ahensya ng Gobyerno na katuwang sa pagpapaabot ng tulong para sa ating mga kababayan. Dahil naniniwal si Sen Go na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.

Sa ngayon ay nariyan ang mga serbisyo, programa at tulong na ibinababa ng Provincial Government para sa ating mga kalalawigan ngayong nakararanas ang lahat ng krisis dahil sa pandemya at bagyong pumapasok sa ating Probinsya.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.