by Henry Buzar November 30, 2020 Marami ang natuwa ng ipahayag na sisimulan na ang pagbabakuna sa Amerika at ibang bansa sa Europa kasama na...
November 30, 2020
Marami ang natuwa ng ipahayag na sisimulan na ang pagbabakuna sa Amerika at ibang bansa sa Europa kasama na ang iba't-ibang mga bansa na may mataas na impeksyon. Ang tanong lang dito, matutuldokan na kaya ang COVID-19?
Ayon sa CNN, ang bakuna ay hindi isang pilak na bala upang matigil na o mabawasan ang patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa America na ngayon lamang araw na ito ay umabot sa 151k ang dami ng nagpositibo sa loob ng isang araw. Patuloy pa rin ang paglobo ng namamatay sa coronavirus na umabot sa 266K sa Amerika lamang. Kung titingnan, kapag nagmamatigas ka kay COVID lalo ka naman niyang parurusahan.
Ngayong nadiskubre na ang mga gamot at sa buwang ito ay uumpisahan na ang pagbabakuna sa mga mayamang bansa na nauna ng nagdeposito sa mga pharma upang makasiguro sa gamot, may pagdududa naman kung mababakunahan lahat ng bulnerableng tao sa Pilipinas sa kadahilanang kokonti pa lang ang pwedeng maturukan sa kokonti din namang suplay na makukuha ng mga mahihirap na bansa.
Ang isa pang hadlang upang wakasan ng tuluyan ang paglobo ng impeksyon sa virus ay ang malaking hinala ng mga "anti-vaccine" sa Amerika. Kung may 40 poryento ng populasyon ng Amerika ang ayaw magpabakuna, hindi din matitigil kakaagad si COVID. Alam din natin na hanggat hindi tinatamaan ang isang tao na hindi naniniwala kay COVID hindi ito maniniwala. May pangyayari pa na isang Amerikano ang hanggang huling hininga nya ay itinatanggi na COVID-19 ang tumama sa kanya.
Habang ang NcoV 2 ay isa na lang nakahahawang sakit katulad ng ibang virus o TB at iba pa, patuloy ang pananalasa nito sa mundo.
May mabuti namang balita para sa mga may dugong Type O na mas mababa ang tyansa nila na tamaan ni COVID ayon sa mga kasalukuyang mga pananaliksik.
Ganon pa man, handa ba kayong magpabakuna o takot kayong malagyan ng microchip?
No comments