Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Camp and tupad pay-out at awarding ng dole livelihood assistance, isinagawa

by Quezon – PIO November 30, 2020 LUCENA CITY - Pinangunahan ni Secretary Silvestre Bello III at Governor Danilo E. Suarez ang isinagawang C...

by Quezon – PIO
November 30, 2020

Camp and tupad pay-out at awarding ng dole livelihood assistance, isinagawa


LUCENA CITY - Pinangunahan ni Secretary Silvestre Bello III at Governor Danilo E. Suarez ang isinagawang Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) and Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD Program) pay-out na sinundan ng Awarding ng Department of Labor and Employment (DOLE) Livelihood Assistance para sa mga benepisyaryo ng mga naturang programa.

Kung saan ito ay ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City na dinaluhan din nina Vice Governor Sam Nantes, Congw. Aleta Suarez, Board Member Jet Suarez, Padre Burgos Mayor Ruben Uy Diokno, DOLE Quezon Director Edwin Hernandez at iba pang mga kawani mula sa Regional Office ng DOLE nitong nakalipas na araw ng Huwebes, ika-19 ng Nobyembre.



Habang matatandaan na ang mga bahaging programang ito ng DOLE ay nakapailalim sa Republic Act No.11494 o Bayanihan to Recover As One Act na saklaw ang mga programa na gaya ng DOLE Integrated Livelihood Program or Kabuhayan Program (DILP), CAMP at TUPAD Program na mga tugon para sa mga kababayan nating labis na naapektuhan dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Para naman sa mga benepisyaryo na napagkalooban ng livelihood assistance ito ay isang malaking oportunidad para sa kanila na muling mabigyan ng pagkakataon na makapaghanapbuhay at kumita ng pangtustos sa kanilang pamilya.



Samantala, sa ibinahagi namang mensahe ni Sec. Bello layon ng mga programa sa ilalim ng DOLE na maibigay sa taong bayan ang salaping para sa kanila at kaakibat nito ang suporta sa mga programa para sa ating mga kababayan.

Sa naging pananalita naman ni Governor Suarez, kanyang ibinalita ang mga programang pinalawig para sa kanyang mga kalalawigan gayon din ang patuloy na pagpapaabot ng tulong at serbisyo sa ano mang sektor sa ating Lalawigan.

Sa ngayon ay inaasahana na sa pamamagitan ng mga programang ipinagkaloob ng DOLE at ng Pamahalaang Panlalawigan ay makapagbukas ito ng panibagong pag-asa para sa ating mga kababayang nawalan ng trabaho at kabuhayan dulot ng pandemya kasabay ng ating sama-samang pagharap sa panibagong normal.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.