by Quezon - PIO November 9, 2020 LUCENA CITY - Dinaluhan ni Governor Danilo E. Suarez ang isinagawang blessing ng bagong gawang school build...
November 9, 2020
LUCENA CITY - Dinaluhan ni Governor Danilo E. Suarez ang isinagawang blessing ng bagong gawang school building sa Dalahican Elementary School, Lungsod ng Lucena nitong nakaraang Huwebes, ika-5 ng Nobyembre bilang bahagi ng kanyang patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon sa ating Lalawigan.
Pinangunahan ng DepEd Division of Lucena ang naturang aktibidad na dinaluhan nina Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala, 2nd District Cong. David “Jayjay Suarez na kinatawan ni Executive Assistant I Engr. Rowell Radovan, Governor Danny Suarez, Department of Education Usec. Alain Del Pascual.
Habang ang naturang gusali na binasbasan ni Rev. Fr. Orson J. Ornedo ay may apat na palapag na mayroong 20 klasroom na magagamit ng mga mag-aaral sa pagbabalik sa normal na takbo ng mga klase.
Kaugnay nito ay ibinahagi ni Usec. Pascua ang naging konstraksyon ng mga school building na kanilang ipinatatayo sa buong bansa gayon din ang paghimok niya sa mga magaaral ngayon na humaharap sa new normal na sumailalim pa rin sa tinatawag na blended learning na kahit nagaaral sa pamamagitan ng module o online class ay siguruhin pa rin na makakapanuod sa DepEd TV na nagkakaroon ng iba’t-ibang lecture o lesson para sa mga mag-aaral na mapapanuod mula Lunes-Sabado, alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. Kanya ring ibinahagi ang ilan pang plano para mas mapalawig ang ilang paraan ng pagpapaabot ng lesson sa mga estudyante.
Habang sa mensahe ni Governor Suarez, kanyang ibinalita ang ilan sa mga tulong na nais niyang ipaabot sa sektor ng edukasyon gayon din ang pagkilala sa tungkulin na ginagampanan ng mga guro sa ating Lalawigan na aniya isa itong “noble profession”. Ibinahagi rin niya na ang kanyang tahanan ay bukas para sa mga guro ng Lungsod ng Lucena at Probinsya ng Quezon.
Para naman kay Mayor Alcala, sa kabila ng pinagraanan ng Lucena ay tuloy pa rin ang pagpapaabot ng suporta sa Kagawaran ng Edukasyon na silang humuhulma sa mga magaaral at kabataan kasabay ng kanyang pasasalamat para sa mga guro.
Labis naman ang pasasalamat ni Dr. Hermogenes Panganiban ang OIC- Schools Division Superintendent ng DepEd Lucena sa bawat gusaling ipinatatayo na pundasyon ng edukasyon para sa mga magaaral gayon din sa patuloy na pagpapaabot ng suporta at tulong sa Kagawaran ng Edukasyon sa kabila ng ating hinaharap na bagong normal.
Samantala, ang Pamahalaang Panlalawigan naman ay patuloy sa pagkakaloob ng mga programa at tulong para sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng Serbisyong Suarez C.A.R.E.S o Complimentary Assistance and Response for Education Sector na nagkakaloob ng photocopying at bond papers para sa mga eskwelahan na nagagamit sa paggawa ng module gayon din ay nagpapatuloy ang tinatawag na Learning Delivery Mobilizers na katuwang ng mga guro sa paghahatid ng module sa mga sulok-sulok na lugar sa ating Lalawigan.
No comments