by Jay Silva Lim November 17, 2020 Environment. (Photo from Facebook) Mga #KasamaNgKalikasan ramdam na ramdam na natin ang epekto o ka...
November 17, 2020
Environment. (Photo from Facebook) |
Mga #KasamaNgKalikasan ramdam na ramdam na natin ang epekto o kahihinatnan ng pagwawalang bahala ng tao sa Kalikasan. Una ang pandemya at ngayo'y sunod-sunod na bagyo...apektado ang kalakhang bahagi ng luzon...sadyang pag kalikasan ang nasira lulugmok ang lahat hindi lang ang ekonomiya kahit ang lideratong pampolitikal kahit anong panig maging pula, dilaw, asul o luntian man ay masusubok kung hanggang saan nga ba ang tunay na malasakit sa sambayanan at kalikasan.
Mga kasama alam ko pong hindi tamang magsisihan tayo ngayon sa panahong ito sa gitna ng mga trahedyang nagaganap... subalit kinakailangan pa rin nating balikan at itanong lalo na sa mga kinauukulang ahensya tulad ng DENR, Nasyunal at Lokal na pamahalaan. Nagagawa nga ba natin ang mandato ng ating saligang batas na protektahan at isulong ang kapakanan ng mamamayan para sa balanse at malusog na ekolohiya? Nasaan na nga ba tayo ngayon? At tanungin din natin ang kabuuan ng mamamayan...nakaambag ba tayo sa pag ampat at paglutas ng mga usaping pangkalikasan...o baka naman naging bahagi pa tayo para palalain at sirain ito?
Sa kaganapan ngayon mukhang kung susumahin at bibigyan nga grado tayong lahat ay lagabong o bagsak tayong lahat.
Pero naniwala ako na kaya pa nating ituwid ang mali kung susundin natin at ipapatupad ang batas at alituntuning nakatakda sa halip na gawing tama ang mali na siyang nagiging "new normal" ngayon.
Sa pagpapatuloy ng panahong may pandemya at kalamidad...maaring sa biglang tingin tayong mga tao ang kawawa...pero ang tunay na kawawa ay kalikasan...ang Sierra Madre at Banahaw na sa kabila ng ating kawalan ng pagpapahalaga at pagsalaula ay nagbibigay pa rin sa atin ng sariwang tubig, hangin at kanlung o depensa sa mga bagyo, maging gamot at pagkaing ating kailangan.
Subalit ang nakakalungkot....patuloy parin ang pagsira natin sa kalikasan sa ngalan ng pera at kaunlarang sa isang kisap mata ay pwede namang bawiin ng trahedya.
Habang patuloy ang quarrying, illegal logging, timber poaching, illegal land conversions at iba pa sa Sierra Madre at Banahaw...at patuloy tayo at ang kinauukulan na magbubulagbulagan...magigising tayo isang umaga na lahat tayo'y biktima ng trahedya (sana naman ay 'wag susmiyo!).
Kaugnay nito, nais nating manawagan sa kinauukulan sa lokal at nasyunal na pamahalaan, sa DENR at iba pang ahensya na ngayon na ang panahon...para gawin natin ang tama para sa mamamayan at kalikasan.
No comments