Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Handog ay tulong para sa mga pampublikong guro sa bayan ng Dolores mula sa pamahalaang panlalawigan

by Quezon - PIO November 17, 2020 LUCENA CITY - Handog ng Pamahalaang Panlalawigan ang tulong para sa mga pampublikong guro mula sa bayan ng...

by Quezon - PIO
November 17, 2020


Handog ay tulong para sa mga pampublikong guro sa bayan ng Dolores mula sa pamahalaang panlalawigan

LUCENA CITY - Handog ng Pamahalaang Panlalawigan ang tulong para sa mga pampublikong guro mula sa bayan ng Dolores kung kaya sa pangunguna ni Governor Danilo E. Suarez kaisa sina Vice Governor Sam Nantes, 2nd District Congressman David Suarez at Board Member Yna Liwanag ay personal na tinungo ang nabanggit na bayan nitong araw ng Lunes, ika-9 ng Nobyembre.

Personal namang sinalubong ng Ama ng bayan ng Dolores, Orlan Calayag, Vice Mayor Danilo Amat, Sangguniang Bayan ng Dolores, Public School Disitict Supervisors at School heads ang grupo mula sa Pamahalaang Panlalawigan.



Ipinamahagi ang mga bondpapers para sa bawat paaralan na patuloy na gumagawa ng module na inihahatid sa mga tahanan ng mga mag-aaral upang tuloy-tuloy na maibigay ang tamang edukasyon na kailangan ng bawat estudyante sa ating pagharap sa bagong normal dahil sa banta ng COVID-19.

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Orlan Calayag dahil sa agarang pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan sa ayudang kailangan ng kanilang bayan na naapektuhan dahil sa bagyong nagdaan sa ating Probinsya.



Habang sa kabila ng mga pagsubok na dumadaan sa ating Lalawigan agad naman ang pagpapadala ng tulong ng tanggapan ni Bokal Liwanag para sa mga magaaral.

Sa ngayon naman ay mas lalo umanong na-aapreciate ni Vice Governor Nantes ang kahalagahan ng tungkuling ginagampanan ng mga guro dahil siya bilang magulang ay nagsisilbi ding guro para sa kanyang mga anak na nagaaral sa pamamagitan ng online class.



Ipinarating naman ni Cong. Suarez ang na patuloy ang pagkakaloob ng suporta sa sektor ng edukasyon sa ating Lalawigan kasabay ng kanyang mga balita kaugnay sa vaccination program upang labanan ang banta ng COVID-19. Andyan din ang panawagan ng Kongresista na di dapat pinapansin ang pulitika sa gitna ng pandemya sa halip ay dapat pagtuunan ng pansin ang programa at serbisyo.

Samantala, sa mensahe ni Governor Suarez kanyang ibinahagi ang tuloy-tuloy na serbisyo at programa na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa kabila pagsubok na hinaharap ng ating Lalawigan gayon din ang mga ginagawang programa para sa sektor ng Edukasyon sa ating Probinsya.

Sa ngayon ay sinisiguro naman ng Pamahalaang Panlalawigan na maipararating ang serbisyong kailangan ng ating mga kalalawigan ano mang sektor ang kanilang kinabibilangan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.