Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang virtual bicycle fun ride sa lalawigan, isinagawa

by Quezon - PIO November 30, 2020 Governor Danilo E. Suarez (Photo from Quezon - P...

by Quezon - PIO
November 30, 2020

Kauna-unahang virtual bicycle fun ride sa lalawigan, isinagawa
Governor Danilo E. Suarez (Photo from Quezon - PIO)


LUCENA CITY - Isinagawa sa pangunguna ng Niyog-yugan Bikers Club Quezon (NBC) at Provincial Government ang kauna-unahang virtual bicycle fun ride sa Lalawigan na naganap nitong ika-22 ng Nobyembre araw ng Linggo.

Nakiisa sa aktibidad na ito sina Governor Danilo E. Suarez, Unang Ginang / Congw. Aleta C. Suarez, Chief of Staff / Executive Assistant IV Jenny Suarez Lopez, Provincial Administrator / Agriculturist Roberto Gajo, Executive Assistant II Tina Talavera, Executive Assistant I Engr. Rowell Radovan at Founder and Chairman ng United Quezon Bikers (UQB) G. Stanley Carlo Profugo.



Kung saan ay may apat na magkakaibang ruta na tinahak ang mga bikers na inikot ang ilang mga bayan at Lungsod sa Lalawigan at tinatayang umabot sa may 700 na nagparehistro sa online ang nakilahok sa nabanggit na aktibidad na hinati naman sa tig-sasampung miyembro ang bawat team upang masiguro pa rin ang pagsunod sa mga pinaiiral na health and safety protocols sa ating Lalawigan na pagtugon sa patuloy na paglaban sa banta ng COVID-19.

Habang layon naman ng naturang programa na hikayatin ang publiko na maging healthy and fit sa gitna ng pandemya upang mas mapalakas ang ating pangangatawan at immune system gayon din ang tamang disiplina sa mga riders habang nasa kalsada at ang paglawak pa ng biking community na tumutulong din sa ating ekonomiya at kapaligiran.



Ibinahagi naman ng Pangulo ng NBC na si Ms. Aleli Edaňo kung paano nagsimula ang NBC at ano ang mga benepisyong nakukuha sa pagpadyak o pagbibisikleta.

Sa naging mensahe naman ng Ama ng ating Lalawigan, Danilo E. Suarez kanyang ipinaabot ang taos pusong suporta sa biking community o riders sa ating Lalawigan dahil sa kanila ding mga ginagawang proyekto at pagtulong para sa kanilang mga kapwa riders kasabay ng kanyang pagbabahagi ng mga programa at serbisyo para sa ating mga kalalawigan na patuloy na ipinagkakaloob sa gitna ng pandemya.



Samantala, ginunita rin ang National Bicycle Day na naiproklama ng Malacaňang sa ilalim ng Proclamation No. 1052 o Declaring the Fourth Sunday of November every year as “National Bicycle Day”, bilang bahagi nito ay nabigyan naman ng pagkakataon ang mga riders na maguwi ng mga pa-premyo sa ginawang raffle draw at pabaong cash mula kay Governor Suarez na nagbigay ng kasiyahan sa mga riders.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.